Talababa
e May mga business tablet sa lahat ng taon ng mga haring Neo-Babilonyo. Kapag pinagsama-sama ang mga taon ng pamamahala ng mga haring ito at ginawa ang kalkulasyon mula sa huling haring Neo-Babilonyo, si Nabonido, papatak nga na ang pagkawasak ng Jerusalem ay noong 587 B.C.E. Pero magiging tumpak lang ang pamamaraang ito kung ang bawat transisyon ng pamamahala ng mga hari ay naganap sa iisang taon at walang pagitan.