Talababa
a Binago ng sinaunang mga eskriba ang talatang ito at ginawang “aking kaluluwa,” na para bang kay Jeremias tumutukoy. Lumilitaw na naniniwala silang kawalang-galang na tukuyin ang Diyos bilang kaluluwa, isang terminong ginagamit ng Bibliya para sa mga nilalang sa lupa. Pero madalas ilarawan ng Bibliya ang Diyos sa paraang maiintindihan ng mga tao. Yamang ang salitang “kaluluwa” ay maaaring mangahulugang “ang buhay na taglay natin,” ang pariralang “iyong kaluluwa” ay nangangahulugang “ikaw.”