Talababa
a Noong sinaunang panahon, kakaunti lang at mahal ang mga materyales na pinagsusulatan. Kaya nakaugalian nang kayurin ang dating mga teksto sa isang manuskrito para mapagsulatan ulit. Ang gayong mga manuskrito ay tinatawag na mga palimpsest, mula sa salitang Griego na nangangahulugang “kinayod muli.”