Talababa
e Parapo 14: Ito ay pagbabago sa ating pagkaunawa sa Mateo 13:42. Binabanggit noon sa ating mga publikasyon na ang mga huwad na Kristiyano ay ilang dekada nang ‘tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin’ dahil inilantad ng “mga anak ng kaharian” kung sino talaga sila—“mga anak ng isa na balakyot.” (Mat. 13:38) Gayunman, pansinin na ang pagngangalit ng mga ngipin ay iniuugnay sa pagkapuksa.—Awit 112:10.