Talababa
f Parapo 16: Sinasabi sa Daniel 12:3 na “silang may kaunawaan [mga pinahirang Kristiyano] ay sisikat na gaya ng ningning ng kalawakan.” Habang narito pa sa lupa, ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pakikibahagi sa gawaing pangangaral. Gayunman, ang Mateo 13:43 ay tumutukoy sa panahon na sisikat sila nang maliwanag sa makalangit na Kaharian. Iniisip natin noon na ang dalawang tekstong ito ay parehong tumutukoy sa gawaing pangangaral.