Talababa
b Nahukay ng mga arkeologo ang ilang tulad-piramide at baytang-baytang na mga templong tore sa paligid ng Sinar. Sinasabi ng Bibliya na ang mga tagapagtayo ng tore sa Babel ay naglatag ng laryo, hindi ng bato, at gumamit ng bitumen bilang argamasa. (Genesis 11:3, 4) Ayon sa The New Encyclopædia Britannica, ang bato ay “bihira o wala pa nga” sa Mesopotamia, samantalang sagana naman ang bitumen.