Talababa
a May dahilan para maniwalang karamihan sa mga naroroon nang pagkakataong iyon ay naging Kristiyano. Tinukoy sila ni Pablo bilang “limang daang kapatid” sa kaniyang liham sa mga taga-Corinto. Kapansin-pansin, sinabi pa niya: “Karamihan sa mga ito ay nananatili hanggang sa kasalukuyan, ngunit ang ilan ay natulog na sa kamatayan.” Kaya lumilitaw na nakasama ni Pablo at ng iba pang unang-siglong mga Kristiyano ang marami sa mga personal na nakarinig sa utos na mangaral.