Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG

Talababa

a Ang tsunami noong 2004 ay kumitil ng mahigit 220,000 katao—ang pinakamapangwasak na tsunami na naitala sa kasaysayan.

MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA DAIGDIG NA NAGPAPAHIWATIG NA MALAPIT NA ANG WAKAS

PANGGLOBONG DIGMAAN AT LUMALALANG KAGULUHAN

“Makaririnig kayo ng mga digmaan at mga ulat ng mga digmaan; tiyakin ninyo na hindi kayo masindak. Sapagkat ang mga bagay na ito ay kailangang maganap, ngunit hindi pa ang wakas. Sapagkat ang bansa ay titindig laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian . . . Ang lahat ng mga bagay na ito ay pasimula ng mga hapdi ng kabagabagan.”—Mateo 24:6-8.

SAKIT AT TAGGUTOM SA BUONG MUNDO

“Sa iba’t ibang dako ay mga salot at mga kakapusan sa pagkain.” —Lucas 21:11.

LAGANAP NA KASAMAAN AT KALITUHAN SA RELIHIYON

“Maraming bulaang propeta ang babangon at magliligaw ng marami; at dahil sa paglago ng katampalasanan ang pag-ibig ng nakararami ay lalamig.”—Mateo 24:11, 12.

WALANG KATULAD NA PAGGUHO NG MORAL AT NG LIPUNAN

“Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, . . . mga di-matapat, mga walang likas na pagmamahal, mga hindi bukás sa anumang kasunduan, mga maninirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, mga walang pag-ibig sa kabutihan, mga mapagkanulo, mga matigas ang ulo, mga mapagmalaki.”—2 Timoteo 3:1-4.

PANGANGARAL NG MABUTING BALITA NG KAHARIAN NG DIYOS SA BUONG DAIGDIG

“Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.”—Mateo 24:14.

PAGTANGGI NG MGA KRITIKO NA MALAPIT NA ANG WAKAS

“Sa mga huling araw ay darating ang mga manunuya na may pagtuya, na . . . nagsasabi: ‘Nasaan itong ipinangakong pagkanaririto niya? Aba, mula nang araw na matulog sa kamatayan ang ating mga ninuno, ang lahat ng mga bagay ay nananatiling gayung-gayon mula noong pasimula ng sangnilalang.’”—2 Pedro 3:3, 4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share