Talababa
b Si Sara ay kapatid ni Abraham sa ama niyang si Tera, pero magkaiba ang kanilang ina. (Genesis 20:12) Sa ngayon, hindi na tama ang gayong pag-aasawa. Pero tandaan na naiiba ang pag-aasawa noong panahong iyon. Ang mga tao noon ay malapit pa sa kasakdalang naiwala nina Adan at Eva. Kaya kahit maging mag-asawa noon ang malalapít na magkakamag-anak, hindi nagkakaroon ng diperensiya ang anak nila. Pero pagkalipas ng mga 400 taon, ang haba ng buhay ng tao ay katulad na ng sa atin ngayon. Noong panahong iyon, ipinagbawal na ng Kautusang Mosaiko ang lahat ng seksuwal na ugnayan sa pagitan ng magkakamag-anak.—Levitico 18:6.