Talababa
a Marami ang hindi nakaaalam na ang ulat sa Juan 7:53–8:11 sa ilang Bibliya ay idinagdag lang at hindi kasama sa orihinal na kinasihang mga akda. Dahil sa ulat na ito, sinasabi ng ilan na tanging ang tao na walang kasalanan ang puwedeng humusga sa taong nagkasala ng pangangalunya. Pero ayon sa kautusang ibinigay ng Diyos sa bansang Israel: “Kung ang isang lalaki ay masumpungang sumisiping sa isang babaing pag-aari ng isang may-ari, silang dalawa ay dapat ngang mamatay na magkasama.”—Deut. 22:22.