Talababa
b KARAGDAGANG PALIWANAG: Ang espiritismo ay tumutukoy sa paniniwala at gawaing may kaugnayan sa mga demonyo. Kasama rito ang paniniwalang buháy pa rin ang espiritu ng taong namatay at nakikipag-usap ito sa mga buháy, lalo na sa pamamagitan ng isang espiritista. Kasama rin sa espiritismo ang pangkukulam at panghuhula. Sa artikulong ito, ang salitang mahika ay tumutukoy sa mga gawaing may kaugnayan sa okultismo, o kababalaghan. Maaaring kasama rito ang paglalagay o pag-aalis ng sumpa, pati na ang panggagayuma. Hindi ito tumutukoy sa mga trick gamit ang bilis ng kamay, na ginagawa ng ilan para libangin ang iba.