Talababa
a Dahil hindi tayo perpekto, may mga nagagawa tayo o nasasabi na nakakasakit sa ating mga kapatid. Ano ang gagawin natin kapag nangyari iyon? Handa ba tayong lumapit para ayusin ang problema? Agad ba tayong humihingi ng tawad? O iniisip natin na kung nasaktan sila, problema na nila iyon? Pero paano naman kung tayo ang madaling masaktan sa sinasabi o ginagawa ng iba? Ikinakatuwiran ba natin, ‘Ganito na talaga ako eh’? O naiintindihan natin na kahinaan iyon at kailangan nating baguhin?