Talababa
a Para maging masaya ang isang pamilya, mahalagang malaman ng bawat miyembro nito ang kailangan nilang gawin. Dapat din silang makipagtulungan sa mga kapamilya nila. Ang tatay ang nangunguna sa pamilya, ang nanay ay sumusuporta sa kaniya, at sumusunod naman at nakikipagtulungan ang mga anak sa mga magulang nila. Ganiyan din sa pamilya ni Jehova. May layunin siya para sa atin, at kung makikipagtulungan tayo dito, magiging bahagi tayo ng pamilya ni Jehova magpakailanman.