Talababa
b Ang pagbabalik ng tunay na pagsamba na nangyari noong 1919 ay inilarawan din sa Ezekiel 37:1-14 at Apocalipsis 11:7-12. Inihula ni Ezekiel ang espirituwal na pagbabalik ng lahat ng pinahirang Kristiyano pagkatapos ng isang napakahabang panahon ng pagkabihag. Ang hula naman sa Apocalipsis ay tumutukoy sa makasagisag na muling pagsilang ng isang maliit na grupo ng pinahirang mga brother na nangunguna. Nakulong nang maikling panahon ang mga brother na ito, kaya hindi sila aktibong nakapaglingkod kay Jehova nang mga panahong iyon. Pero makasagisag silang naisilang-muli noong 1919 nang atasan sila bilang ang “tapat at matalinong alipin.”—Mat. 24:45; tingnan ang Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova, p. 118.