Talababa
b Halimbawa, noong mga 785 C.E., nagbigay si Carlomagno ng utos na nagpapataw ng parusang kamatayan sa sinumang tao sa Saxony na hindi magpapabautismo bilang Kristiyano. Itinakda rin sa Peace of Augsburg, na nilagdaan noong 1555 C.E. ng mga naglalabang pangkat sa Banal na Imperyong Romano, na ang tagapamahala sa bawat teritoryo ay dapat na Romano Katoliko o kaya’y Luterano, at na susunod dito ang lahat ng sakop niya. Ang hindi susunod sa relihiyon ng tagapamahala ay paaalisin sa bansa.