Talababa
c Salungat sa itinuturo mismo ng Torah, kadalasan nang ipinagbabawal ng legal na tradisyong Judio sa mga babae ang mag-aral ng Torah. Halimbawa, sinipi ng Mishnah ang sinabi ni Rabbi Eliezer ben Hyrcanus: “Sinumang nagtuturo sa kaniyang anak na babae ng Torah ay para na ring nagtuturo sa kaniya ng kahalayan.” (Sotah 3:4) Isinama sa Jerusalem Talmud ang kaniyang sinabi: “Mabuti pang masunog sa apoy ang pananalita ng Torah kaysa ibahagi ito sa mga babae.”—Sotah 3:19a.