Talababa
c Ayon sa NIV Study Bible, ang paulit-ulit na paggamit sa pangalan ng Diyos sa mga tekstong ito ay “pagdiriin sa sinasabi sa [talata 27].” Sinasabi naman ng ilan na sinusuportahan daw ng tatlong paglitaw ng pangalan ng Diyos sa mga tekstong ito ang turo ng Trinidad. Pero iba ang sinasabi ng isang komentaryo ng Bibliya na sumusuporta sa turo ng Trinidad. Inamin nito na sa tatlong beses na paggamit sa pangalan ng Diyos, “hindi man lang maiisip ng saserdoteng nagbibigay, o ng mga taong tumatanggap, ng pagpapala ang gayong ideya. Para sa kanila, ang tatlong pag-uulit na ito ay nagdadagdag lang ng ganda at pagdiriin sa pagpapala.” (The Pulpit Commentary, Volume 2, pahina 52) Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang artikulong “Trinidad Ba ang Diyos?”