Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 22
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

Nilalaman ng Deuteronomio

      • Paggalang sa mga hayop ng iyong kapuwa (1-4)

      • Pagsusuot ng damit ng di-kasekso (5)

      • Maging mabait sa mga hayop (6, 7)

      • Halang sa bubong (8)

      • Mga hindi puwedeng pagsamahin (9-11)

      • Palawit sa balabal (12)

      • Batas tungkol sa maling seksuwal na mga gawain (13-30)

Deuteronomio 22:1

Marginal Reference

  • +Exo 23:4

Deuteronomio 22:2

Marginal Reference

  • +Mat 7:12

Deuteronomio 22:4

Marginal Reference

  • +Exo 23:5; Lev 19:18; Luc 10:27; Gal 6:10

Deuteronomio 22:5

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 52

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 547, 1453

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 276-277

    Ang Bantayan (Pag-aaral),

    9/2016, p. 18

Deuteronomio 22:6

Marginal Reference

  • +Lev 22:28; Aw 145:9; Kaw 12:10; Mat 10:29

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, p. 584, 820

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 980

Deuteronomio 22:7

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, p. 584, 820

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 980

Deuteronomio 22:8

Talababa

  • *

    O “mababang pader.”

Marginal Reference

  • +2Sa 11:2; Gaw 10:9

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 641

    Ang Bantayan,

    4/1/2013, p. 10

    2/1/2001, p. 4-5

Deuteronomio 22:9

Marginal Reference

  • +Lev 19:19

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 688

Deuteronomio 22:10

Marginal Reference

  • +Kaw 12:10

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 235, 584

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 524

    Ang Bantayan,

    10/15/2003, p. 32

    11/15/1995, p. 31

Deuteronomio 22:11

Marginal Reference

  • +Lev 19:19

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 1286

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 214

Deuteronomio 22:12

Talababa

  • *

    O “borlas.”

Marginal Reference

  • +Bil 15:38; Mat 23:2, 5

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 548

Deuteronomio 22:13

Talababa

  • *

    O “itinakwil.”

Deuteronomio 22:14

Talababa

  • *

    O “wala akong nakitang katibayan na birhen siya.”

Deuteronomio 22:15

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 1026

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 527

Deuteronomio 22:16

Talababa

  • *

    O “itinakwil.”

Deuteronomio 22:17

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 527

Deuteronomio 22:18

Talababa

  • *

    O “didisiplinahin.”

Marginal Reference

  • +Deu 25:2; Kaw 10:13; 19:29
  • +Exo 18:21; Deu 1:13; 16:18

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 592, 758

Deuteronomio 22:19

Talababa

  • *

    Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.

Marginal Reference

  • +Mal 2:16

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, p. 589, 758, 1312

Deuteronomio 22:21

Talababa

  • *

    O “prostitusyon.”

Marginal Reference

  • +Heb 13:4
  • +Lev 21:9
  • +Lev 11:45; 1Co 5:13

Deuteronomio 22:22

Marginal Reference

  • +Gen 20:3; Exo 20:14; Lev 20:10; 1Co 6:9, 10, 18

Deuteronomio 22:24

Marginal Reference

  • +Lev 20:10; Deu 5:18; 1Te 4:3, 6; Heb 13:4

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Ang Bantayan (Pag-aaral),

    12/2019, p. 14

    Kaunawaan, p. 758, 1026

Deuteronomio 22:25

Talababa

  • *

    O “labas ng lunsod.”

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Ang Bantayan (Pag-aaral),

    12/2019, p. 14

Deuteronomio 22:26

Marginal Reference

  • +Gen 4:8; Bil 35:20, 21; San 2:11

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Ang Bantayan (Pag-aaral),

    12/2019, p. 14

Deuteronomio 22:27

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Ang Bantayan (Pag-aaral),

    12/2019, p. 14

Deuteronomio 22:28

Marginal Reference

  • +Gen 34:2, 5

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Ang Bantayan,

    11/15/1989, p. 31

Deuteronomio 22:29

Marginal Reference

  • +Gen 34:11, 12; Exo 22:16

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, p. 589, 758, 1312

    Ang Bantayan,

    11/15/1989, p. 31

Deuteronomio 22:30

Talababa

  • *

    Lit., “hindi niya maililis ang laylayan ng.”

Marginal Reference

  • +Lev 18:8; 20:11; Deu 27:20; 1Co 5:1

Ibang Salin

I-click ang numero ng talata para makita ang ibang salin.

Iba Pa

Deut. 22:1Exo 23:4
Deut. 22:2Mat 7:12
Deut. 22:4Exo 23:5; Lev 19:18; Luc 10:27; Gal 6:10
Deut. 22:6Lev 22:28; Aw 145:9; Kaw 12:10; Mat 10:29
Deut. 22:82Sa 11:2; Gaw 10:9
Deut. 22:9Lev 19:19
Deut. 22:10Kaw 12:10
Deut. 22:11Lev 19:19
Deut. 22:12Bil 15:38; Mat 23:2, 5
Deut. 22:18Deu 25:2; Kaw 10:13; 19:29
Deut. 22:18Exo 18:21; Deu 1:13; 16:18
Deut. 22:19Mal 2:16
Deut. 22:21Heb 13:4
Deut. 22:21Lev 21:9
Deut. 22:21Lev 11:45; 1Co 5:13
Deut. 22:22Gen 20:3; Exo 20:14; Lev 20:10; 1Co 6:9, 10, 18
Deut. 22:24Lev 20:10; Deu 5:18; 1Te 4:3, 6; Heb 13:4
Deut. 22:26Gen 4:8; Bil 35:20, 21; San 2:11
Deut. 22:28Gen 34:2, 5
Deut. 22:29Gen 34:11, 12; Exo 22:16
Deut. 22:30Lev 18:8; 20:11; Deu 27:20; 1Co 5:1
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
  • Basahin sa Bibliya Para sa Pag-aaral (nwtsty)
  • Basahin sa Bagong Sanlibutang Salin (bi12)
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
  • 19
  • 20
  • 21
  • 22
  • 23
  • 24
  • 25
  • 26
  • 27
  • 28
  • 29
  • 30
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Deuteronomio 22:1-30

Deuteronomio

22 “Kapag nakita mong nagpapalaboy-laboy ang toro o tupa ng kapatid mo, huwag mo itong ipagwalang-bahala.+ Dapat mo itong dalhin sa kapatid mo. 2 Pero kung malayo ang bahay ng kapatid mo o hindi mo kilala ang may-ari, iuwi mo muna ang hayop sa bahay mo, at mananatili ito roon hanggang sa hanapin ito ng may-ari. At dapat mo itong ibalik sa kaniya.+ 3 Iyan ang gagawin mo sa kaniyang asno, balabal, at anumang bagay na naiwala ng kapatid mo pero nakita mo. Huwag mo itong ipagwalang-bahala.

4 “Kapag nakita mong nabuwal sa daan ang asno o toro ng kapatid mo, huwag mong sadyaing iwasan ito. Dapat mo siyang tulungang itayo ang hayop.+

5 “Ang babae ay hindi dapat magsuot ng damit ng lalaki; ang lalaki ay hindi dapat magsuot ng damit ng babae. Dahil ang gumagawa nito ay kasuklam-suklam sa Diyos ninyong si Jehova.

6 “Kung may makita ka sa daan na isang pugad ng ibon na may mga inakáy o itlog, nasa puno man o lupa, at nililimliman ng inahin ang mga inakáy o itlog, huwag mong kukunin ang mga inakáy na kasama ang inahin.+ 7 Pakakawalan mo ang inahin, pero puwede mong kunin ang mga inakáy. Gawin mo ito para mapabuti ka at humaba ang buhay mo.

8 “Kung magtatayo ka ng bahay, dapat mong lagyan ng halang* ang bubong,+ para walang mahulog mula rito at hindi magkasala sa dugo ang pamilya mo.

9 “Huwag mong tatamnan ang ubasan mo ng dalawang uri ng binhi.+ Kung gagawin mo ito, lahat ng bunga ng itinanim mong binhi pati ng ubasan mo ay mapupunta sa santuwaryo.

10 “Huwag kang mag-aararo na toro at asno ang magkasama.+

11 “Huwag kang magsusuot ng damit na ang tela ay yari sa pinagsamang lana at lino.+

12 “Dapat kang maglagay ng mga palawit* sa apat na dulo ng isinusuot mong balabal.+

13 “Kung mag-asawa ang isang lalaki at sipingan niya ang asawa niya, pero kinapootan* niya ito 14 at pinaratangang may ginawa itong kahiya-hiya at dinungisan ang pangalan nito at sinabi: ‘Kinuha ko ang babaeng ito, pero nang sipingan ko siya, nalaman kong hindi na siya birhen,’* 15 ang ama at ina ng babae ay dapat maglabas ng katibayan na birhen ang anak nila at iharap ito sa matatandang lalaki sa pintuang-daan ng lunsod. 16 Sasabihin ng ama ng babae sa matatandang lalaki, ‘Ibinigay ko ang anak ko sa lalaking ito bilang asawa, pero kinapootan* niya ito 17 at pinaratangang may ginawa itong kahiya-hiya at sinabi: “Nalaman kong hindi na birhen ang anak ninyo.” Ito ngayon ang katibayan na birhen ang anak ko.’ At ilaladlad nila ang balabal sa harap ng matatandang lalaki ng lunsod. 18 Ang lalaki ay paparusahan*+ ng matatandang lalaki ng lunsod.+ 19 Pagmumultahin nila siya ng 100 siklong* pilak at ibibigay ito sa ama ng babae, dahil dinungisan niya ang pangalan ng isang dalaga sa Israel,+ at mananatili ito bilang asawa niya. Hindi siya papahintulutang diborsiyuhin ito habambuhay.

20 “Pero kung totoo ang paratang at walang katibayan na birhen ang babae, 21 dapat nilang dalhin ang babae sa pasukan ng bahay ng ama niya, at babatuhin siya ng mga lalaki sa lunsod hanggang sa mamatay siya, dahil may ginawa siyang kahiya-hiya+ sa Israel—seksuwal na imoralidad* sa bahay ng ama niya.+ Ganiyan ninyo aalisin ang kasamaan sa gitna ninyo.+

22 “Kung ang isang lalaki ay sumiping sa isang babaeng may asawa, magkasama silang papatayin, ang lalaking sumiping sa babae at ang babae.+ Ganiyan ninyo aalisin ang kasamaan sa Israel.

23 “Kung may katipan na ang isang dalaga, at may ibang lalaki sa lunsod na nakakita sa kaniya at sinipingan siya nito, 24 dapat ninyo silang dalhin sa pintuang-daan ng lunsod na iyon at batuhin hanggang sa mamatay, ang babae dahil hindi siya sumigaw sa lunsod, at ang lalaki dahil hinamak niya ang asawa ng kapuwa niya.+ Ganiyan ninyo aalisin ang kasamaan sa gitna ninyo.

25 “Pero kung sa parang* nakita ng isang lalaki ang babaeng may katipan at puwersahang sinipingan ang babae, ang papatayin lang ay ang lalaking sumiping sa babae; 26 hindi paparusahan ang babae. Wala siyang ginawang kasalanan na nararapat sa kamatayan. Ang sitwasyon niya ay katulad ng taong sinaktan at pinatay ng kapuwa nito.+ 27 Dahil sa parang siya nakita ng lalaki at ang babaeng may katipan ay sumigaw, pero walang sinuman ang naroon para tumulong.

28 “Kung makita ng isang lalaki ang isang dalaga na wala pang katipan at sinunggaban niya ito at sinipingan ito at natuklasan ang ginawa nila,+ 29 ang lalaking sumiping sa babae ay dapat magbigay sa ama nito ng 50 siklong pilak, at magiging asawa niya ang babae.+ Dahil hinamak niya ito, hindi siya papahintulutang diborsiyuhin ito habambuhay.

30 “Hindi dapat kunin ng isang lalaki ang asawa ng ama niya para hindi niya malapastangan ang* ama niya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share