Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 13
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

Nilalaman ng Deuteronomio

      • Kung paano pakikitunguhan ang mga apostata (1-18)

Deuteronomio 13:2

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 770

Deuteronomio 13:3

Marginal Reference

  • +Isa 8:19; Jer 27:9
  • +Deu 8:2
  • +Deu 6:5; 10:12; Mat 22:37

Deuteronomio 13:4

Marginal Reference

  • +Deu 10:20

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Ang Bantayan,

    10/15/2002, p. 16-17

Deuteronomio 13:5

Talababa

  • *

    Lit., “sa bahay ng mga alipin.”

Marginal Reference

  • +Deu 18:20
  • +Deu 17:2, 3, 7; 1Co 5:13

Deuteronomio 13:6

Talababa

  • *

    O “ng kaibigang minamahal mong gaya ng sarili mo.”

Marginal Reference

  • +1Ha 11:4; 2Pe 2:1

Deuteronomio 13:8

Marginal Reference

  • +Gal 1:8

Deuteronomio 13:9

Marginal Reference

  • +Exo 22:20; 32:27; Bil 25:5
  • +Deu 17:2, 3, 7

Deuteronomio 13:10

Talababa

  • *

    Lit., “sa bahay ng mga alipin.”

Marginal Reference

  • +Lev 20:2, 27

Deuteronomio 13:11

Marginal Reference

  • +Deu 17:13; 1Ti 5:20

Deuteronomio 13:14

Marginal Reference

  • +Deu 19:15; 1Ti 5:19

Deuteronomio 13:15

Talababa

  • *

    O “Italaga mo sa pagkapuksa.”

Marginal Reference

  • +Deu 17:4, 5; 2Cr 28:6
  • +Exo 22:20

Deuteronomio 13:16

Talababa

  • *

    O “plaza.”

Deuteronomio 13:17

Talababa

  • *

    O “na ginawang sagrado ng pagbabawal.”

Marginal Reference

  • +Jos 6:18
  • +Gen 22:15, 17; 26:3, 4

Deuteronomio 13:18

Talababa

  • *

    O “pakinggan ang tinig ng.”

Marginal Reference

  • +Deu 6:18

Ibang Salin

I-click ang numero ng talata para makita ang ibang salin.

Iba Pa

Deut. 13:3Isa 8:19; Jer 27:9
Deut. 13:3Deu 8:2
Deut. 13:3Deu 6:5; 10:12; Mat 22:37
Deut. 13:4Deu 10:20
Deut. 13:5Deu 18:20
Deut. 13:5Deu 17:2, 3, 7; 1Co 5:13
Deut. 13:61Ha 11:4; 2Pe 2:1
Deut. 13:8Gal 1:8
Deut. 13:9Exo 22:20; 32:27; Bil 25:5
Deut. 13:9Deu 17:2, 3, 7
Deut. 13:10Lev 20:2, 27
Deut. 13:11Deu 17:13; 1Ti 5:20
Deut. 13:14Deu 19:15; 1Ti 5:19
Deut. 13:15Deu 17:4, 5; 2Cr 28:6
Deut. 13:15Exo 22:20
Deut. 13:17Jos 6:18
Deut. 13:17Gen 22:15, 17; 26:3, 4
Deut. 13:18Deu 6:18
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
  • Basahin sa Bibliya Para sa Pag-aaral (nwtsty)
  • Basahin sa Bagong Sanlibutang Salin (bi12)
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Deuteronomio 13:1-18

Deuteronomio

13 “Kung may bumangon sa gitna ninyo na isang propeta o isang humuhula sa pamamagitan ng mga panaginip at magbigay ng isang tanda o hula, 2 at magkatotoo ito at hikayatin niya kayo, ‘Sumunod tayo sa ibang mga diyos,’ mga diyos na hindi ninyo kilala, ‘at maglingkod tayo sa kanila,’ 3 huwag kayong makinig sa propeta o sa isang iyon na nanaginip,+ dahil sinusubok kayo ng Diyos ninyong si Jehova+ para malaman kung iniibig ninyo ang Diyos ninyong si Jehova nang inyong buong puso at kaluluwa.+ 4 Ang Diyos ninyong si Jehova ang dapat ninyong sundan, siya ang dapat ninyong katakutan, ang mga utos niya ang dapat ninyong sundin, ang tinig niya ang dapat ninyong pakinggan; siya ang dapat ninyong paglingkuran, at sa kaniya kayo dapat mangunyapit.+ 5 Pero dapat patayin ang propeta o ang isang iyon na nanaginip,+ dahil hinikayat niya kayong magrebelde sa Diyos ninyong si Jehova—na naglabas sa inyo sa Ehipto at nagpalaya sa inyo sa pagkaalipin*—para ilihis kayo mula sa daan na iniuutos ng Diyos ninyong si Jehova na lakaran ninyo. Dapat ninyong alisin ang kasamaan sa gitna ninyo.+

6 “Kung palihim kang hikayatin ng kapatid mo o ng anak mong lalaki o babae o ng mahal mong asawa o ng pinakamatalik mong kaibigan* at sabihin niya, ‘Halika, at maglingkod tayo sa ibang mga diyos,’+ mga diyos na hindi mo kilala, pati ng mga ninuno mo, 7 mga diyos ng mga bayan sa palibot ninyo, malapit man o malayo sa inyo, mula sa alinmang bahagi ng lupain, 8 huwag kang magpapadala o makikinig sa kaniya;+ huwag kang magpapakita ng awa o mahahabag sa kaniya at huwag mo siyang poprotektahan; 9 sa halip, dapat mo siyang patayin.+ Ikaw dapat ang unang bumato sa kaniya para patayin siya; pagkatapos, babatuhin na rin siya ng buong bayan.+ 10 Dapat mo siyang batuhin hanggang mamatay+ dahil tinangka niyang italikod ka sa iyong Diyos na si Jehova, na naglabas sa iyo sa Ehipto, kung saan ka naging alipin.* 11 At mababalitaan iyon ng buong Israel at matatakot sila, at hinding-hindi na nila muling gagawin ang ganitong kasamaan sa gitna ninyo.+

12 “Kung marinig mo ang balitang ito sa isa sa mga lunsod na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova para tirhan, 13 ‘May walang-kuwentang mga lalaki sa gitna ninyo na nagliligaw sa mga nakatira sa lunsod nila, at sinasabi nila: “Halikayo, at maglingkod tayo sa ibang mga diyos,” mga diyos na hindi ninyo kilala,’ 14 mag-imbestiga kang mabuti at magtanong;+ at kung napatunayan na talagang nangyayari ang kasuklam-suklam na bagay na ito sa gitna ninyo, 15 dapat mong patayin ang mga nakatira sa lunsod na iyon gamit ang espada.+ Wasakin mo at puksain* ang lahat ng naroon gamit ang espada, pati ang mga alagang hayop doon.+ 16 At tipunin mo sa gitna ng liwasan* nito ang lahat ng nasamsam doon at sunugin mo ang lunsod, at ang samsam doon ay magsisilbing isang buong handog para kay Jehova na iyong Diyos. Iyon ay magiging isang bunton ng guho magpakailanman. Hindi na iyon itatayong muli. 17 Huwag kang kukuha ng anumang bagay na dapat wasakin,*+ para maalis ang nag-aapoy na galit ni Jehova at magpakita siya ng awa at habag at bigyan ka niya ng maraming anak, gaya ng ipinangako niya sa mga ninuno mo.+ 18 Dahil dapat mong sundin ang* iyong Diyos na si Jehova sa pamamagitan ng pagtupad sa lahat ng utos niya na ibinibigay ko sa iyo ngayon; sa ganitong paraan, nagagawa mo ang tama sa paningin ng iyong Diyos na si Jehova.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share