-
NeutralidadNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
kapuwa ay ang ibahagi sa kanila ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos, na siyang lulutas sa mga suliraning nakaharap sa sangkatauhan at magbubukas sa mga tatanggap nito ng kamanghamanghang pag-asa ng buhay na walang hanggan.
-
-
New World TranslationNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
New World Translation
Kahulugan: Isang salin ng Banal na Kasulatan mula sa Hebreo, Aramaiko, at Griyego tungo sa makabagong Ingles na ginawa ng isang komite ng pinahirang mga saksi ni Jehova. Ganito ang sinabi ng mga ito hinggil sa kanilang gawain: “Ang mga tagapagsalin nito, na may pagkatakot at pag-ibig sa Banal na May-akda ng Banal na Kasulatan, ay nakadadama ng pantanging pananagutan sa Kaniya na ipabatid ang kaniyang mga kaisipan at kapahayagan sa pinaka-wastong paraang magagawa. Sila rin ay nakadadama ng pananagutan sa mga mapanuring mambabasa na nananalig sa isang salin ng kinasihang Salita ng Kataastaasang Diyos ukol sa kanilang walang-hanggang kaligtasan.” Ang saling ito ay unang inilabas nang baha-bahagi mula noong 1950 hanggang 1960. Ang mga edisyon sa ibang wika ay ibinatay sa saling Ingles.
Salig sa ano ang “New World Translation”?
Bilang saligan sa pagsasalin ng Hebreong Kasulatan, ang teksto ng Biblia Hebraica ni Rudolf Kittel, mga edisyon ng 1951-1955, ang ginamit. Ang 1984 na rebisyon ng New World Translation ay nakinabang sa ilang mga pagbabago na kasuwato ng Biblia Hebraica Stuttgartensia ng 1977. Karagdagan pa, ang Dead Sea Scrolls at maraming naunang mga salin sa ibang wika ay kinunsulta. Para sa Kristiyanong Griyegong Kasulatan, ang saligang tekstong Griyego ng 1881 na inihanda nina Westcott at Hort ang pangunahing ginamit, nguni’t kinunsulta rin ang ibang mga saligang teksto bukod pa sa maraming naunang mga bersiyon sa ibang mga wika.
Sino ang mga tagapagsalin?
Nang ipinagkaloob ang karapatan sa paglilimbag ng kanilang salin bilang regalo, hiniling ng New World Bible Translation Committee na huwag ipakilala kung sino ang mga miyembro nito. Iginalang ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania ang kanilang kahilingan. Hindi hinahanap ng mga tagapagsalin ang sariling katanyagan kundi ang maparangalan lamang ang Banal na May-akda ng Banal na Kasulatan.
-