-
Mga ImahenNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
hindi nakakatangan, mga paa, subali’t kailanma’y hindi nakakalakad, at walang lumalabas na tinig mula sa kanilang mga ngalangala. Ang mga gumawa sa kanila ay matutulad sa kanila, pati na ang sinomang nagtitiwala sa kanila.”
-
-
ImpiyernoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Impiyerno
Kahulugan: Ang salitang “impiyerno” ay masusumpungan sa maraming salin ng Bibliya. Sa mga talata ding yaon ang ibang salin ay kababasahan ng “libingan,” “daigdig ng mga patay,” at iba pa. Ang ibang salin ng Bibliya ay basta na lamang gumagamit ng mga salita sa orihinal na wika na madalas isaling “impiyerno”; alalaong baga’y, isinusulat nila ito sa mga titik ng ating abakada subali’t hindi isinasalin ang mga salita. Ano ang mga ito? Ang salitang Hebreo na she’ohlʹ at ang katumbas nito sa Griyego na haiʹdes, na tumutukoy, hindi sa indibiduwal na mga libingang dako, kundi sa karaniwang libingan ng patay na sangkatauhan; ganoon din ang Griyegong geʹen·na, na ginagamit bilang sagisag ng walang-hanggang pagkalipol. Gayumpaman, kapuwa sa Sangkakristiyanuhan at sa maraming di-Kristiyanong relihiyon ay itinuturo na ang impiyerno ay isang dako na tinatahanan ng mga demonyo at na kung saan ang mga balakyot, pagkamatay nila, ay pinarurusahan (at ang iba ay naniniwala pa na ito ay may kalakip na pagpapahirap).
Ipinahihiwatig ba ng Bibliya kung baga nakakaramdam ng hirap ang mga patay?
Ecles. 9:5, 10: “Nalalaman ng mga buháy na sila’y mangamamatay; nguni’t kung tungkol sa mga patay, sila’y walang nalalamang ano pa man. . . . Anomang masumpungang gawin ng iyong kamay, gawin mo ng iyong buong kapangyarihan, sapagka’t walang gawa ni katha ni kaalaman ni karunungan man sa Sheol,* ang dakong iyong paroroonan.” (Kung sila’y walang nalalamang ano man, maliwanag na hindi sila nakakaramdam ng hirap.) (*“Sheol,” AS, RS, NE, JB; “ang libingan,” KJ, Kx; “impiyerno,” Dy; “daigdig ng mga patay,” TEV.)
Awit 146:4: “Ang kaniyang espiritu ay pumapanaw, siya’y nagbabalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay nawawala ang kaniyang pag-iisip.”* (*“Pag-iisip,” KJ, 145:4 sa Dy; “panukala,” JB; “plano,” RS, TEV.)
Ipinahihiwatig ba ng Bibliya na ang kaluluwa ay nakakaligtas pagkamatay ng katawan?
Ezek. 18:4: “Ang kaluluwa* na nagkakasala ay mamamatay.”
-