-
Magalak sa Pag-asa ng Kaharian!Umawit ng mga Papuri kay Jehova
-
-
Awit 16
Magalak sa Pag-asa ng Kaharian!
1. Taglay kagalakan!
Pag-asa ng Kaharian!
Taglay kagalakan!
Sa kanyang pagdatal!
Kaharia’y itaguyod,
Maging masigasig.
Umasa’t huwag manghimagod,
Huwag kang padadaig.
Taglay kagalakan!
Kaharia’y ipangaral!
Taglay kagalakan!
Sa kanyang pagdatal!
2. Maging maligaya!
Sa maka-Diyos na pag-asa!
Maging maligaya!
Sa Diyos magtiwala!
Pag-asa mo ay tibayan.
Huwag mong ikahiya.
Wala ka na sa karimlan;
Hinango sa dusa.
Maging maligaya!
Manalig ka kay Jehova!
Maging maligaya!
Sa Diyablo’y lumaya!
3. Umawit! Pumuri!
Pag-asa ng Kaharian!
Umawit! Pumuri!
Ang Diyos paglingkuran!
Masdan ninyo ang bukirin!
May pag-aani na.
Sagana ang titipunin:
Tupang dumadagsa.
Umawit! Pumuri!
Sa Diyos na nagbigay lakas!
Umawit! Pumuri!
Tapat hanggang wakas!
-
-
Ang “Hamog” ni Jehova sa Maraming BayanUmawit ng mga Papuri kay Jehova
-
-
Awit 17
Ang “Hamog” ni Jehova sa Maraming Bayan
1. Ang kay Kristong kasintahan,
Ang ganda’y tulad hamog.
Sa kanya sila’y pantangi,
Sa kanya’y binubuklod.
2. Ang hamog nakakatulad,
Ng lingkod ng Diyos ngayon.
Sila’y nagpapaginhawa
Sa lahat ng panahon.
3. Nalabi’y may kaagapay
Sa araw ng Kaharian.
At sila’y tulad hamog din,
Nakikipaglingkuran.
4. Marami ang nagkukusa
Upang Diyos mapabantog.
Nawa tayo’y sama-samang
Maging tulad ng hamog.
-