Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kaharian
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • mga sakop ng Kahariang yaon], kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t-isa.”

      Papangyarihin ang kapayapaan sa pagitan ng mga hayop at mga tao

      Isa. 11:6-9: “Ang lobo ay tatahang kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing, at ang guya at ang batang leon at ang patabain ay magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata. At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping. At maging ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka. At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas; at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong. Hindi sila magsisipanakit o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok.” (Gayon din ang Isaias 65:25)

      Os. 2:18: “Sa araw na yaon ay ipakikipagtipan ko sila sa mga hayop sa parang at sa mga ibon sa himpapawid at sa mga bagay na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa, . . . at akin silang pahihigaing tiwasay.”

      Gagawing paraiso ang lupa

      Luc. 23:43: “Katotohanang sinasabi ko sa iyo ngayon, Kakasamahin kita sa Paraiso.”

      Awit 98:7-9: “Humugong ang dagat at ang buong naroon, ang mabungang lupain at ang tumatahan doon. Ipakpak ng mga ilog ang kanilang mga kamay; mag-awitan ang mga bundok dahil sa kagalakan sa harap ni Jehova, sapagka’t siya’y dumating upang hatulan ang lupa. Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang mabungang lupain at ng katapatan ang mga bayan.”

      Ihambing ang Genesis 1:28; 2:15; Isaias 55:11.

      Kailan nagsimulang mamahala ang Kaharian ng Diyos?

      Yaon ba’y noong unang siglo?

      Col. 1:1, 2, 13: “Si Pablo, na apostol ni Kristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at ang kapatid nating si Timoteo sa mga banal [ang mga tagapagmana ng makalangit na Kaharian] . . . Siya’y [ang Diyos] nagligtas sa atin mula sa kapangyarihan ng kadiliman at naglipat sa atin [sa mga banal, mga miyembro ng kongregasyong Kristiyano] sa kaharian ng Anak ng kaniyang pag-ibig.” (Samakatuwid nga, si Kristo ay nagsimulang mamahala sa kongregasyong Kristiyano noong unang siglo, bago ito isinulat, subali’t ang pagkatatag ng Kaharian na siyang mamamahala sa buong lupa ay nasa hinaharap pa.)

      1 Cor. 4:8: “Kayo’y nangabusog na, gayon nga ba? Kayo’y mayayaman na, gayon nga ba? Kayo ay nagpasimulang maghari nang wala kami, gayon nga ba? Ibig ko sanang nagpasimula na nga kayong maghari, upang kami rin ay makapagharing kasama ninyo.” (Maliwanag dito na sila’y sinasaway ni Pablo dahil sa kanilang maling pangmalas.)

      Apoc. 12:10, 12: “Ngayo’y dumating ang kaligtasan at ang kapangyarihan at ang kaharian ng ating Diyos at ang kapamahalaan ng kaniyang Kristo, sapagka’t inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid, na siyang sa kanila’y nagsusumbong sa harapan ng ating Diyos araw at gabi! Dahil dito’y mangagalak, kayong mga langit at kayong nagsisitahan diyan! Sa aba ng lupa at ng dagat, sapagka’t ang Diyablo’y bumaba sa inyo na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.” (Dito ang pagkatatag ng Kaharian ng Diyos ay sinasabing nagaganap sa panahong inihagis si Satanas mula sa langit. Hindi ito nangyari sa panahon ng paghihimagsik sa Eden, gaya ng makikita sa Job kabanata 1 at 2. Ang Apocalipsis ay isinulat noong 96 C.E., at ipinakikita ng Apocalipsis 1:1 na ito’y tumatalakay sa mga pangyayaring nasa hinaharap pa.)

      Bago magpuno ang Kaharian ng Diyos kailangan ba munang makumberte ang sanlibutan?

      Awit 110:1, 2: “Ang kapahayagan ni Jehova sa aking Panginoon [si Jesu-Kristo] ay: ‘Maupo ka sa aking kanan hanggang sa mailagay ko ang iyong mga kaaway bilang tuntungan ng iyong mga paa.’ Pararatingin ni Jehova ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion, na sinasabi: ‘Manakop ka sa gitna ng iyong mga kaaway.’ ” (Samakatuwid magkakaroon ng mga kaaway na kaniyang sasakupin; hindi lahat ay kusang magpapailalim sa kaniyang pamamahala.)

      Mat. 25:31-46: “Pagparito ng Anak ng tao [si Jesu-Kristo] na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo’y luluklok siya sa kaniyang maluwalhating luklukan. At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa, at sila’y pagbubukdin-bukdin niya na gaya ng pagbubukud-bukod ng pastol sa mga tupa at sa mga kambing. . . . At ang mga ito [na hindi nagpakita ng pag-ibig sa pinahiran niyang mga kapatid] ay pasasa walang-hanggang pagkalipol, subali’t ang mga matuwid ay pasasa walang-hanggang buhay.” (Maliwanag na hindi makukumberte ang buong sangkatauhan bago iluklok si Kristo; hindi lahat ay magiging mga matuwid.)

      Ipinakikita ba ng Bibliya kung kailan magsisimulang mamahala ang Kaharian?

      Tingnan ang mga pahina 340-343, sa ilalim ng paksang “Mga Petsa,” at mga pahina 169-174, sa ilalim ng “Mga Huling Araw.”

      Kung May Magsasabi​—

      ‘Hindi darating ito sa panahon ko’

      Maaari kayong sumagot: ‘Nguni’t darating din ito kahit hindi sa panahon ninyo, hindi po ba? . . . Puwede bang malaman ng sinoman na ang kaniyang lahi ang makakakita nito? Iyan ang gustong malaman ng mga apostol mismo ni Jesus, at ang sagot niya sa kanila ay napakahalaga para sa atin ngayon. (Mat. 24:3-14; Luc. 21:29-32)’

      O maaari ninyong sabihin: ‘Pangkaraniwan na ang pangmalas na iyan. Subali’t ang mga Saksi ni Jehova ay may lubos na paniniwala, salig sa Bibliya, na ang Kaharian ng Diyos ay nagpupuno na sa mga langit at na dapat nating ipakita kung baga nais nating patuloy na mabuhay sa lupa sa ilalim ng matuwid na pamahalaan ng Diyos o hindi. Iyan ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. Pansinin ang sinasabi dito sa Mateo 25:31-33.’

  • Kaligtasan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Kaligtasan

      Kahulugan: Pagkalingid o pagkaligtas mula sa panganib o pagkalipol. Maaaring ito’y pagkaligtas sa kamay ng mga mang-aapi o mang-uusig. Para sa lahat ng tunay na mga Kristiyano, naglalaan si Jehova sa pamamagitan ng kaniyang Anak ng pagkaligtas mula sa kasalukuyang balakyot na pamamalakad ng mga bagay at gayon din ng kaligtasan mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan. Para sa isang malaking pulutong ng tapat na mga lingkod ni Jehova na nabubuhay sa “mga huling araw,” ang kaligtasan ay mangangahulugan ng pagkalingid sa malaking kapighatian.

      Dahil sa kaniyang malaking awa, ililigtas ba ng Diyos sa takdang panahon ang buong sangkatauhan?

      Ipinahihiwatig ba ng 2 Pedro 3:9 na magkakaroon ng pangkalahatang kaligtasan? Sinasabi nito: “Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba, kundi siya’y matiisin sa inyo, na hindi

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share