Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Kapistahan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • na ito ay ginaganap malapit o kaya’y sa mismong araw na, ayon sa ulat Mosaiko, ay siyang pinangyarihan ng Delubyo, alalaong baga’y, ang ikalabimpitong araw ng ikalawang buwan​—ang buwan na halos ay katumbas ng ating Nobyembre.” (Londres, 1904, Colonel J. Garnier, p. 4) Kaya ang mga pagdiriwang na ito ay talagang nagpasimula sa pagpaparangal sa mga tao na nilipol ng Diyos noong kaarawan ni Noe dahil sa kanilang kasamaan.​—Gen. 6:5-7; 7:11.

      Ang ganitong mga kapistahan na nagpaparangal sa “espiritu ng mga patay” na waring sila ay nabubuhay sa ibang daigdig ay salungat sa paglalarawan ng Bibliya sa kamatayan bilang isang kalagayan ng lubos na pagkawalang-malay.​—Ecles. 9:5, 10; Awit 146:4.

      Hinggil sa pinagmulan ng pagkawalang-kamatayan ng kaluluwa ng tao, tingnan ang mga pahina 108, 109, sa ilalim ng paksang “Kamatayan,” at mga pahina 104, 105 sa ilalim ng “Kaluluwa.”

      Ano ang pinagmulan ng Valentine’s Day?

      Sinasabi sa atin ng The World Book Encyclopedia: “Ang Valentine’s Day ay dumarating sa araw ng kapistahan ng dalawang magkaibang martir Kristiyano na kapuwa nagngangalang Valentine. Subali’t ang mga kaugalian na kaugnay ng araw na ito . . . ay malamáng na nagbuhat sa isang sinaunang kapistahang Romano na tinawag na Lupercalia na nagaganap tuwing Pebrero 15. Ang pagdiriwang ay nagparangal kay Juno, ang Romanong diyosa ng mga babae at pag-aasawa, at kay Pan, ang diyos ng kalikasan.”​—(1973), Tomo 20, p. 204.

      Ano ang pinagmulan ng kaugalian na pagtatakda ng isang araw upang parangalan ang mga ina?

      Sinasabi ng The Encyclopædia Britannica: “Isang pagdiriwang na hinango mula sa kaugalian ng pagsamba sa ina sa sinaunang Gresya. Ang pormal na pagsamba sa ina, taglay ang mga seremonya kay Cybele, o Rhea, ang Dakilang Ina ng mga Diyos, ay ginanap tuwing Ides of March sa buong Asya Minor.”​—(1959), Tomo 15, p. 849.

      Anong mga simulain sa Bibliya ang nagpapaliwanag sa pangmalas ng mga Kristiyano sa mga pagdiriwang ng mahahalagang pangyayari sa maka-politikang kasaysayan ng isang bansa?

      Juan 18:36: “Sumagot si Jesus [sa Romanong gobernador]: ‘Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.’ ”

      Juan 15:19: “Kung kayo [ang mga tagasunod ni Jesus] ay bahagi ng sanlibutan, ay iibigin ng sanlibutan ang kaniyang sarili. Nguni’t sapagka’t kayo’y hindi bahagi ng sanlibutan, kundi kayo’y hinirang ko sa sanlibutan, kaya dahil dito’y napopoot sa inyo ang sanlibutan.”

      1 Juan 5:19: “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng balakyot na isa.” (Ihambing ang Juan 14:30; Apocalipsis 13:1, 2; Daniel 2:44.)

      Iba pang lokal at pambansang kapistahan

      Napakarami nito. Hindi kayang talakayin ang lahat dito. Subali’t ang makasaysayang impormasyon na inilalaan sa itaas ay nagpapahiwatig kung ano ang dapat tingnan kaugnay ng alinmang kapistahan, at ang mga simulain ng Bibliya na natalakay na ay naglalaan ng sapat na patnubay para sa kanila na ang pangunahing mithiin ay ang gawin kung ano ang nakalulugod sa Diyos na Jehova.

  • Kasalanan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Kasalanan

      Kahulugan: Sa literal, ang pagsala sa pamantayan, ayon sa mga Hebreo at Griyegong teksto ng Bibliya. Ang Diyos mismo ang siyang naglalagay ng “pamantayan” na kailangang abutin ng kaniyang matalinong mga nilalang. Ang pagsala sa pamantayang iyon ay kasalanan, na siya ring kalikuan, o katampalasanan. (Roma 3:23; 1 Juan 5:17; 3:4) Ang kasalanan ay anomang hindi kaayon ng banal na personalidad, pamantayan, daan at kalooban ng Diyos. Ito’y maaaring tumukoy sa maling paggawi, hindi paggawa ng nararapat gawin, masamang mga salita, maruming isip, o mapag-imbot na hangarin o motibo. Ipinakikita ng Bibliya ang kaibahan ng minanang kasalanan at ng sinadyang kasalanan, ng isang gawang pagkakasala na pinagsisihan ng isang tao at ng pamimihasa sa pagkakasala.

      Papaanong maaaring magkasala si Adan kung siya’y sakdal?

      Tungkol sa pagiging sakdal ni Adan, basahin ang Genesis 1:27, 31 at Deuteronomio 32:4. Nang sinabi ng Diyos na Jehova na ang kaniyang makalupang paglalang, kasama ang lalake at babae, ay “napakabuti,” ano ang ibig sabihin nito? Kung ang Isa na ang gawa ay sakdal ay nagsabi na ang ginawa niya ay “napakabuti,” tiyak na ito’y nakaabot sa kaniyang sakdal na mga pamantayan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share