Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Petsa
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • ipinakikita sa paksang “Mga Huling Araw,” ang mga pangyayaring ito ay maliwanag na nasasaksihan mula pa noong 1914. Bago pumanaw ang kahulihulihang miyembro ng lahing nabubuhay noong 1914, lahat ng bagay na inihula ay dapat maganap, pati na ang “malaking kapighatian” na kung saan magwawakas ang kasalukuyang balakyot na sistema.​—Mat. 24:21, 22, 34.

      Kailan sasapit ang wakas ng masamang sanlibutang ito?

      Sumagot si Jesus: “Tungkol sa araw at oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” Gayumpaman, sinabi din naman niya: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na hindi lilipas ang lahing ito [yaong nabubuhay nang “ang tanda” ng “mga huling araw” ay nagsimulang matupad] hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.”​—Mat. 24:36, 34.

      At, pagkaraang banggitin ang mga pangyayari na kasunod ng pagkatatag ng Kaharian sa mga kamay ni Jesu-Kristo noong 1914, ganito pa ang dagdag ng Apocalipsis 12:12: “Mangagalak kayo, o mga langit at kayong nagsisitahan diyan! Sa aba ng lupa at ng dagat, sapagka’t ang Diyablo’y bumaba sa inyo na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.”

  • Pilosopiya
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Pilosopiya

      Kahulugan: Ang salitang pilosopiya ay kuha sa mga ugat na salitang Griyego na nangangahulugang “pag-ibig sa karunungan.” Ayon sa paggamit dito, ang pilosopiya ay hindi nakasalig sa paniniwala sa Diyos, kundi sinisikap nito na ibigay sa mga tao ang isang nagkakaisang pangmalas sa sansinukob at gawin silang palaisip at mapanuri. Ang pangunahing ginagamit nito sa paghanap ng katotohanan ay ang kuru-kuro at hindi obserbasyon.

      Papaano matatamo ng sinoman sa atin ang tunay na kaalaman at karunungan?

      Kaw. 1:7; Awit 111:10: “Ang takot kay Jehova ay pasimula ng kaalaman . . . [at] ng karunungan.” (Kung ang sansinukob ay hindi galing sa isang matalinong Maylikha kundi sa isang bulag, walang isip na puwersa, kung gayon ay imposibleng magkaroon ng isang nagkakaisang pangmalas sa sansinukob, hindi ba? Hindi maaaring magbunga ng anomang tunay na karunungan ang pag-aaral ng isang bagay na walang isip sa ganang sarili, hindi ba? Yaong mga nagsisikap na unawain ang sansinukob o ang buhay mismo, na hindi isinasaalang-alang ang Diyos at ang kaniyang layunin, ay laging nabibigo. Binibigyan nila ng maling kahulugan ang kanilang natututuhan at mali ang paggamit nila sa mga katotohanang napupulot nila. Ang hindi pagsasaalang-alang sa paniniwala sa Diyos ay nag-aalis ng susi sa tumpak na kaalaman at sa gayo’y imposibleng magkaroon ng anomang tunay na pagkakasuwato ng kaisipan.)

      Kaw. 2:4-7: “Kung iyong hahanapin ito na parang pilak, at sasaliksikin mo itong parang kayamanang natatago, kung gayo’y iyong mauunawa ang pagkatakot kay Jehova, at masusumpungan mo ang mismong kaalaman ng Diyos. Sapagka’t si Jehova ang nagbibigay ng karunungan; sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan. At kaniyang papagtataglayin ang mga matuwid ng magaling na karunungan.” (Si Jehova ay naglalaan ng kinakailangang tulong sa pamamagitan ng kaniyang nasusulat na Salita at ng kaniyang nakikitang organisasyon. Ang taimtim na pagnanais at personal na pagsisikap, kalakip na rin ang paggamit ng kakayahan ng pag-iisip sa nakapagpapatibay na paraan, ay kailangan din.)

      Makatuwiran bang asahan na ang buong katotohanan ay masusumpungan sa Bukal na ito?

      2 Tim. 3:16; Juan 17:17: “Lahat ng mga Kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” “[Sinabi ni Jesus sa kaniyang makalangit na Ama:] Ang iyong salita ay katotohanan.” (Hindi ba makatuwiran na ang Maylalang ng sansinukob ay magtaglay ng lubos na pagkaunawa dito? Sa Bibliya ay hindi niya sinabi sa atin ang lahat tungkol sa sansinukob, nguni’t ang nakaulat doon ay hindi kuru-kuro lamang; ito’y katotohanan. Sinabi din niya sa Bibliya kung ano ang layunin niya sa lupa at sa sangkatauhan at kung paano niya ito isasakatuparan. Ang kaniyang walang-hanggang kapangyarihan, pinakamataas na karunungan, sakdal na katarungan, at dakilang pag-ibig ay tumitiyak na ang kaniyang layunin ay lubusang maisasakatuparan, at iyo’y sa pinakamabuting paraan. Ang kaniyang mga katangian kung gayon ay nagbibigay sa atin ng katiyakan na ang kaniyang inihayag na layunin ay lubusang mapananaligan; ito’y katotohanan.)

      Ano ang pinagmumulan ng mga pilosopiya ng tao?

      Ang mga ito’y nagmumula sa mga taong may limitasyon: Sinasabi sa atin ng Bibliya: “Hindi para sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang.” (Jer. 10:23) Ang kasaysayan ay nagpapatunay na ang di-pagkilala sa limitasyong iyon ay hindi nagbunga ng mabuti. Sa isang okasyon, “Sumagot si Jehova kay

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share