-
KasalananNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
(Kung gayon, normal para kay Adan ang ipaaninag ang banal na mga katangian ng Diyos, ang magpahalaga sa patnubay ng Diyos. Ang hindi paggawa nito ay pagsala sa pamantayan, pagkakasala. Tingnan ang Roma 3:23, gayundin ang 1 Pedro 1:14-16.)
Efe. 2:1-3: “Kayo [mga Kristiyano] ang binuhay ng Diyos bagama’t kayo’y mga patay dahil sa inyong mga pagsalansang at mga kasalanan, na inyong nilakaran noong una ayon sa sistema ng mga bagay ng sanlibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway. Oo, sa gitna ng mga yaon tayong lahat noong una ay namuhay ayon sa kahalayan ng ating laman, na ginagawa ang mga pita ng laman at ng pag-iisip, at tayo noo’y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng iba.” (Bilang supling ng makasalanang si Adan, tayo’y ipinanganak sa kasalanan. Simula sa pagsilang, ang hilig ng ating puso ay sa kasamaan. Kung hindi natin pipigilin ang mga maling hilig, maaaring mamihasa tayo sa gayong paraan ng pamumuhay. Maaaring lumitaw na parang “normal” ito, yamang ganito rin ang ginagawa ng iba sa ating paligid. Nguni’t ipinakikita ng Bibliya kung ano ang tama at mali mula sa pangmalas ng Diyos, batay sa paraan ng paggawa niya sa tao at sa layunin niya sa sangkatauhan. Kung ating pakikinggan ang ating Maylikha at sundin siya dahil sa pag-ibig, ang buhay ay magiging higit na makahulugan, at magkakaroon tayo ng isang walang-hanggang kinabukasan. Magiliw tayong inaanyayahan ng ating Maylikha na tikman at tingnan kung gaanong kabuti ito.—Awit 34:8.)
Ano ang epekto ng kasalanan sa kaugnayan ng isang tao sa Diyos?
1 Juan 3:4, 8: “Ang sinomang namimihasa sa kasalanan ay sumasalansang din naman sa kautusan, anupa’t ang kasalanan ay ang pagsalansang sa kautusan. Ang namimihasa sa kasalanan ay nagmumula sa Diyablo.” (Kay tindi nito! Yaong sadyang pumipiling lumakad sa kasalanan, at namimihasa rito, ay itinuturing ng Diyos na mga kriminal. Ang landasing pinili nila ay yaong pinili ni Satanas noong una.)
Roma 5:8, 10: “Nang tayo’y mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay dahil sa atin. . . . Noong tayo’y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak.” (Pansinin na ang mga makasalanan ay itinuturing na kaaway ng Diyos. Anong katalinuhan, kung gayon, na samantalahin ang paglalaang ginawa ng Diyos upang tayo’y makipagkasundo sa kaniya!)
1 Tim. 1:13: “Kinahabagan ako [sabi ni apostol Pablo], sapagka’t yao’y ginawa ko sa di-pagkaalam at sa kawalan ng pananampalataya.” (Nguni’t nang ipakita sa kaniya ng Panginoon ang tamang daan, hindi siya nag-atubili sa pagsunod dito.)
2 Cor. 6:1, 2: “Yamang kasama niyang gumagawa, ipinamamanhik din namin sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang di-na-sana nararapat na awa ng Diyos at waling-kabuluhan ang layunin nito. Sapagka’t sinasabi niya: ‘Sa kaayaayang panahon kita’y pinakinggan, at sa araw ng kaligtasan kita’y tinulungan.’ Narito! Ngayon ang kaayaayang panahon. Narito! Ngayon ang araw ng kaligtasan.” (Ngayon na ang panahon na nakabukas ang pagkakataon ukol sa kaligtasan. Ang Diyos ay hindi laging magpapakita ng gayong di-na-sana nararapat na awa sa makasalanang mga tao. Kaya, dapat pakaingat tayo upang huwag waling-kabuluhan ang layunin nito.)
Papaano posibleng magkaroon ng ginhawa sa ating makasalanang kalagayan?
Tingnan ang paksang “Pantubos.”
-
-
KrusNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Krus
Kahulugan: Sa kalakhang bahagi ng Sangkakristiyanuhan ang kasangkapan na ginamit sa pagpatay kay Jesu-Kristo ay sinasabing isang krus. Ang salita ay kinuha sa Latin na crux.
Sa mga lathalain ng Watch Tower bakit ipinakikita si Jesus sa isang tulos na ang mga kamay ay nasa itaas ng kaniyang ulo sa halip na sa tradisyonal na krus?
Sa maraming modernong salin ng Bibliya ang salitang Griyego na isinaling “krus” (“pahirapang tulos” sa NW) ay stau·rosʹ. Sa klasikal na Griyego, ang salitang ito ay nangahulugan lamang ng isang tuwid na tulos, o haligi. Nang maglaon nangahulugan din ito ng isang tulos sa pagpatay na may sangang nakakrus. Kinikilala ito ng The Imperial Bible-Dictionary, sa pagsasabing: “Ang salitang Griyego para sa krus, [stau·rosʹ], ay wastong ipangahulugan na tulos, tuwid na haligi, o istaka, na kung saan kahit ano ay maaaring ibitin, o kaya’y gamitin sa pagbabakod ng lupa. . . . Maging sa gitna ng mga Romano mula pa sa simula matutuklasan na ang crux (na siyang pinagkunan
-