Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pangungumpisal
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • ipapahayag ko naman ang aking pakikiisa sa kaniya sa harapan ng aking Ama na nasa mga langit; subali’t sinomang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao, siya rin naman ay itatatwa ko sa harapan ng aking Ama na nasa mga langit.”

      Kapag ang isa ay nagkasala laban sa Diyos

      Mat. 6:6-12: “Kapag kayo ay nananalangin, ay pumasok kayo sa inyong sariling silid at, pagkatapos mailapat ang inyong pinto, ay manalangin kayo sa inyong Ama na nasa lihim . . . ‘Ama namin na nasa mga langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan . . . at ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpapatawad sa mga may utang sa amin.’ ”

      Awit 32:5: “Kinilala ko ang aking kasalanan sa iyo [Diyos], at ang aking kamalian ay hindi ko ikinubli. Sinabi ko: ‘Ipagtatapat ko ang aking mga pagsalansang kay Jehova.’ At ikaw mismo ay nagpatawad sa kamalian ng aking mga kasalanan.”

      1 Juan 2:1: “Kung ang sinoman ay magkasala, ay may tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesu-Kristo, ang matuwid.”

      Kapag nagkasala ang isa laban sa kaniyang kapuwa o kapag siya ang pinagkasalahan

      Mat. 5:23, 24: “Kaya nga, kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana at doo’y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo, iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at pumaroon ka; makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay bumalik ka, at ihandog mo ang iyong hain.”

      Mat. 18:15: “Kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na kayong dalawa lamang.”

      Luc. 17:3: “Kung magkasala ang iyong kapatid ay sawayin mo siya, at kung siya’y magsisi ay patawarin mo.”

      Efe. 4:32: “Magmagandang-loob kayo sa isa’t-isa, mga mahabagin, na nangagpapatawaran sa isa’t-isa kung papaano ang Diyos din sa pamamagitan ni Kristo ay malayang nagpatawad sa inyo.”

      Kapag ang isa ay nasangkot sa malubhang pagkakasala at naghahangad ng espirituwal na tulong

      Sant. 5:14-16: “May sakit baga [sa espiritu] ang sinoman sa inyo? Hayaang ipatawag niya ang matatanda sa kongregasyon, at hayaang idalangin nila siya, na pinapahiran siya ng langis sa pangalan ni Jehova. At ang panalangin ng pananampalataya ay magpapagaling sa maysakit, at siya’y ibabangon ni Jehova. At, kung siya ay nakagawa ng pagkakasala, ay patatawarin siya [ng Diyos]. Kaya’t mangagpahayagan kayo ng inyong mga kasalanan sa isa’t-isa at idalangin ang isa’t-isa, upang kayo’y magsigaling.”

      Kaw. 28:13: “Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalansang ay hindi magtatagumpay, nguni’t ang nagtatapat at humihiwalay sa mga yaon ay pagpapakitaan ng awa.”

      Papaano kung ang mga nagkakasala ay hindi humihingi ng tulong?

      Gal. 6:1: “Mga kapatid, bagaman ang isa ay makagawa ng maling hakbang nang hindi niya namamalayan, kayo na may mga espirituwal na kakayahan ay sikapin na ituwid ang gayong tao sa espiritu ng kahinahunan, habang minamatyagan din ang inyong sarili, sa pangambang baka kayo naman ang matukso.”

      1 Tim. 5:20: “Sawayin sa harapan ng madla [alalaong baga’y, yaong personal na nakakaalam sa pangyayari] ang bawa’t nahihirati sa paggawa ng kasalanan, upang ang iba rin ay matakot.”

      1 Cor. 5:11-13: “Huwag kayong makisama sa kaninomang tinatawag na kapatid kung siya’y mapakiapid o masakim o mananamba sa diyus-diyosan o mapagtungayaw o manlalasing o manghuhuthot, na huwag man lamang kayong makisalo sa gayong tao. . . . ‘Alisin nga ninyo ang masamang tao sa gitna ninyo.’ ”

  • Paraiso
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Paraiso

      Kahulugan: Sa bersiyong Griyegong Septuagint ng Bibliya ay wastong ginamit ng mga tagapagsalin ang terminong “paraiso” (pa·raʹdei·sos) may kaugnayan sa halamanan ng Eden, sapagka’t maliwanag na ito’y isang parke na may hangganan. Pagkatapos ng salaysay sa Genesis, ang mga teksto sa Bibliya na bumabanggit ng paraiso ay tumutukoy (1) sa halamanan ng Eden mismo, o (2) sa lupa bilang kabuuan kapag ito’y binago sa hinaharap upang maging tulad ng sa Eden, o (3) sa mabungang espirituwal na mga kalagayan sa gitna ng mga lingkod ng Diyos sa lupa, o (4) sa mga paglalaan sa langit na nakapagpapagunita sa Eden.

      Ang “Bagong Tipan” ba ay tumutukoy sa isang makalupang paraiso sa hinaharap o yaon ba’y nasa “Matandang Tipan” lamang?

      Ang paghahati ng Bibliya sa dalawang bahagi, na binibigyang-halaga ang sinasabi nito kung baga ito’y kabilang sa “Matandang” bahagi o sa “Bago” ay hindi maka-Kasulatan. Sa 2 Timoteo

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share