-
PantubosNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
natin ang kasalanan at mabuhay tayo sa katuwiran.” (Dahil sa lahat ng ginawa ni Jehova at ng kaniyang Anak upang tayo’y linisin sa kasalanan, dapat tayong makipagpunyagi upang mapagtagumpayan ang makasalanang mga hilig natin. Hindi natin dapat man lamang na isipin na sadyang gawin ang anomang bagay na alam natin ay makasalanan!)
Tito 2:13, 14: “Si Kristo Jesus . . . [ay] nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin upang tayo’y matubos niya sa lahat ng uri ng kasamaan at malinis niya ang isang bayan ukol sa kaniyang sarili, na masikap sa mabubuting gawa.” (Dapat tayong pakilusin ng pagpapahalaga sa kamanghamanghang paglalaang ito upang makibahaging masikap sa gawaing ipinag-utos ni Kristo sa kaniyang tunay na mga tagasunod.)
2 Cor. 5:14, 15: “Ang pag-ibig ni Kristo ang pumipilit sa amin, sapagka’t ganito ang ipinasiya namin, na ang isang tao ay namatay para sa lahat; kung gayo’y lahat ay nangamatay; at siya’y namatay para sa lahat upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay para sa kanila at muling nabuhay.”
-
-
PangungumpisalNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Pangungumpisal
Kahulugan: Isang pagpapahayag o pagkilala, maging sa hayagan o sa pribado, (1) hinggil sa paniwala ng isa o (2) tungkol sa kaniyang mga kasalanan.
Maka-Kasulatan ba ang rituwal ng pagkakasundo, lakip na ang naririnig na pangungumpisal (personal na pagtatapat sa pakinig ng isang pari), gaya ng itinuturo ng Iglesiya Katolika?
Ang paraan ng pakikipag-usap sa pari
Ang tradisyonal na pormula, na madalas pa ring gamitin, ay: “Bendisyonan mo ako, Padre, sapagka’t ako’y nagkasala. Mayroon nang [haba ng panahon] mula nang ako’y huling Mangumpisal.”—U.S. Catholic magazine, Oktubre 1982, p. 6.
Mat. 23:1, 9, JB: “Sinabi ni Jesus, . . . ‘Huwag ninyong tatawaging ama ang sinomang tao sa lupa, sapagka’t iisa ang inyong Ama, at siya’y nasa langit.’ ”
Mga pagkakasalang maaaring patawarin
“Mula’t sapol ay itinuturo ng Iglesiya na bawa’t kasalanan, gaano man kalubha, ay maaaring mapatawad.”—The Catholic Encyclopedia (na nagtataglay ng nihil obstat at ng imprimatur), R. C. Broderick (Nashville, Tenn.; 1976), p. 554.
Heb. 10:26, JB: “Kung, pagkatapos tanggapin ang kaalaman hinggil sa katotohanan, kusa pa rin tayong gagawa ng anomang pagkakasala, ay wala na ngang nalalabing hain para sa mga ito.”
Mar. 3:29, JB: “Kung lalapastanganin ng sinoman ang Banal na Espiritu kailanma’y hindi siya mapatatawad: nagkakasala siya ng walang-hanggang kasalanan.”
Kung papaano ipapamalas ang pagsisisi
Kadalasa’y iniuutos ng kompesor na ang nagkasala ay magdasal ng tiyak na bilang ng mga “Ama Namin” at “Aba Ginoong Maria.”
Mat. 6:7, JB: “Sa inyong pagdarasal ay huwag kayong magngangangawa [alalaong baga’y, umusal sa walang-kabuluhan at paulit-ulit na paraan] na gaya ng mga pagano, sapagka’t inaakala nila na sa paggamit nila ng maraming salita ay didinggin sila.”
Mat. 6:9-12, JB: “Manalangin nga kayo ng ganito: ‘Ama namin na nasa langit, . . . ipatawad mo sa amin ang aming mga pagkakautang.’ ” (Saanman sa Bibliya ay hindi tayo pinag-uutusan na manalangin kay o sa pamamagitan ni Maria. Tingnan ang Filipos 4:6, gayundin ang mga pahina 236, 237, sa ilalim ng “Maria.”)
Roma 12:9, JB: “Huwag gawing paimbabaw ang inyong pag-ibig, subali’t ibigin ninyo ang mabuti sa halip na ang masama.”
Hindi ba pinagkalooban ni Jesus ang kaniyang mga apostol ng karapatan na magpatawad ng mga kasalanan?
Juan 20:21-23, JB: “ ‘Kung papaano ang pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon ko naman kayo sinusugo.’ At pagkasabi nito’y hiningahan niya sila at sinabi: ‘Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu. Sapagka’t sinomang ang kasalanan ay inyong patawarin, ay napatawad; at sinomang ang kasalanan ay hindi ninyo patawarin, ay hindi napatawad.’ ”
Papaano ito inunawa at ikinapit ng mga apostol? Walang ulat sa Bibliya na kahit minsan ay dininig ng isang apostol ang isang pribadong pangungumpisal at pagkatapos ay nagkaloob ng kapatawaran. Gayumpaman, ang mga kahilingan ukol sa pagpapatawad ng Diyos ay isinasaad sa Bibliya. Ang mga apostol, sa ilalim ng patnubay ng banal na espiritu, ay nakaunawa kung baga ang mga indibiduwal ay nakakaabot sa gayong mga kahilingan at salig dito ay makapagpapahayag na ang Diyos ay nagpatawad
-