Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Huling Araw
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • ‘Ayokong isipin ang masasamang kalagayang iyan; ang gusto kong isipin ay ang magandang kinabukasan’

      Maaari kayong sumagot: ‘Ang totoo, sinabi ni Jesus na ang kaniyang mga tagasunod ay magiging palaisip sa magandang kinabukasan sa ating kaarawan. (Luc. 21:28, 31)’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Nguni’t pansinin na hindi niya sinabing ipikit nila ang kanilang mata sa nangyayari sa mundo upang iwasan ang pagkalungkot. Sinabi niya na ang kanilang pag-asa ay may matibay na kinasasaligan; ito’y sapagka’t nauunawaan nila ang kahulugan ng mga pangyayari sa daigdig at kung ano ang kalalabasan nito.’

  • Mga Imahen
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Mga Imahen

      Kahulugan: Karaniwan na, ang mga ito’y nakikitang larawan ng mga tao o mga bagay. Ang isang imahen na pinag-uukulan ng pagsamba ay isang idolo. Madalas inaangkin niyaong mga sumasamba sa mga imahen na ang kanilang pagsamba ay talagang ipinatutungkol sa espiritung kinakatawanan ng larawang yaon. Ang ganitong paggamit ng mga imahen ay karaniwan na sa maraming di-Kristiyanong mga relihiyon. Hinggil sa kaugalian ng mga Romano Katoliko, ganito ang sinasabi ng New Catholic Encyclopedia, (1967, Tomo VII, p. 372): “Yamang ang pagsamba na iniuukol sa isang imahen ay nakakarating at nagwawakas sa personang inilalarawan, ang ganitong pagsamba na nauukol sa persona ay maaari na ring iukol sa larawan na kumakatawan sa personang yaon.” Hindi itinuturo ng Bibliya.

      Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos hinggil sa paggawa ng mga imahen upang sambahin?

      Exo. 20:4, 5, JB: “Huwag kayong gagawa para sa inyo ng isang inukit na larawan o anomang kawangis ng alinmang bagay na nasa langit o nasa lupa o nasa tubig sa ilalim ng lupa; huwag ninyong yukuran ang mga ito ni paglilingkuran man ang mga ito [“yumuko sa harapan ng mga ito o sumamba sa mga ito,” NAB]. Sapagka’t ako, si Yahweh na inyong Diyos, ay isang mapanibughuing Diyos.” (Idinagdag namin ang mga pahilis.) (Pansinin na ang pagbabawal ay laban sa paggawa ng mga imahen at pagyuko sa mga ito.)

      Lev. 26:1, JB: “Huwag kayong gagawa ng mga idolo; huwag kayong magtatayo ng isang inukit na larawan o haliging bato [“banal na haligi,” NW], huwag kayong magtatayo ng alinmang inukit na bato sa inyong lupain, upang magsiyuko sa harapan

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share