Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kaluluwa
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • araw ding yaon ay nawawala ang kaniyang pag-iisip.” (Ang ruʹach dito ay isinasaling “espiritu” ng NAB, Ro, Yg, at Dy [145:4]. Ang ibang mga salin ay nagsasabing “hininga.”) (Gayundin ang Awit 104:29)

      Ano ang pinagmulan ng paniniwala ng Sangkakristiyanuhan sa isang di-materyal, di-namamatay na kaluluwa?

      “Ang Kristiyanong paniniwala sa isang espirituwal na kaluluwang nilikha ng Diyos na ipinasok sa katawan sa panahon ng paglilihi upang bumuo ng isang taong may buhay ay ang resulta ng matagal na paglinang ng pilosopiyang Kristiyano. Tangi lamang noong panahon ni Origen [namatay mga 254 C.E.] sa Silangan at ni San Agustin [namatay noong 430 C.E.] sa Kanluran nabuo ang paniniwala sa kaluluwa bilang isang espirituwal na sustansiya at nagkaroon ng pilosopikong ideya ng kayarian nito. . . . Ang turo niya [ni Agustin] . . . sa kalakhan ay hango (lakip na rin ang ilang mga pagkukulang) sa Neoplatonismo.”​—New Catholic Encyclopedia (1967), Tomo XIII, p. 452, 454.

      “Ang ideya ng pagka-walang kamatayan ay nagmula sa kaisipan ng mga Griyego, samantalang ang pag-asa sa isang pagkabuhay-muli ay hango sa kaisipan ng mga Judio. . . . Pagkatapos ng mga pananagumpay ni Alejandro ay unti-unting nahawa ang Judaismo sa mga kuru-kuro ng mga Griyego.”​—Dictionnaire Encyclopédique de la Bible (Valence, Pransiya; 1935), pinatnugotan ni Alexandre Westphal, Tomo 2, p. 557.

      “Ang pagka-walang kamatayan ng kaluluwa ay isang paniniwalang Griyego na nabuo sa sinaunang mahiwagang mga kulto at higit na ipinaliwanag ng pilosopong si Plato.”​—Presbyterian Life, Mayo 1, 1970, p. 35.

      “Naniniwala ba tayo na may tinatawag na kamatayan? . . . Hindi ba paghihiwalay ito ng kaluluwa at katawan? At ang kamatayan ang siyang kaganapan nito; kapag ang kaluluwa ay umiral sa ganang sarili, at pinalaya sa katawan at ang katawan ay pinalaya sa kaluluwa, ano ba ito kundi kamatayan? . . . At nakakaranas ba ng kamatayan ang kaluluwa? Hindi. Kung gayon imortal ba ang kaluluwa? Oo.”​—Ang “Phaedo” ni Plato, Sek. 64, 105, gaya ng paglalathala sa Great Books of the Western World (1952), pinatnugotan ni R. M. Hutchins, Tomo 7, p. 223, 245, 246.

      “Nakita na natin na ang suliranin ng pagka-walang kamatayan ay matamang binigyan ng pansin ng mga teologong taga-Babilonya. . . . Hindi inisip ng mga tao ni inisip man ng mga nangunguna sa turong relihiyoso ang posibilidad ng ganap na pagkalipol niyaong umiiral na. Ang kamatayan ay daan tungo sa ibang uri ng buhay.”​—The Religion of Babylonia and Assyria (Boston, 1898), M. Jastrow, Jr., p. 556.

      Tingnan din ang mga pahina 107-109, sa paksang “Kamatayan.”

  • Kamatayan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Kamatayan

      Kahulugan: Ang paghinto ng lahat ng gawain ng buhay. Makaraang huminto ang paghinga, pulso, at pagkilos ng utak, ay unti-unting tumitigil sa pag-andar ang puwersa ng buhay sa mga selula ng katawan. Ang kamatayan ay siyang kabaligtaran ng buhay.

      Nilalang ba ng Diyos ang tao para mamatay?

      Sa kabaligtaran, binalaan ni Jehova si Adan laban sa pagsuway, na aakay sa kamatayan. (Gen. 2:17) Nang maglaon, ang Israel ay binalaan ng Diyos laban sa paggawi na aakay sa di-napapanahong kamatayan para sa kanila. (Ezek. 18:31) Nang dakong huli isinugo niya ang kaniyang Anak para mamatay alang-alang sa sangkatauhan upang yaong mga sasampalataya sa paglalaang ito ay makapagkamit ng buhay na walang-hanggan.​—Juan 3:16, 36.

      Sinasabi ng Awit 90:10 na ang karaniwang lawig ng buhay ng tao ay 70 o 80 taon. Totoo ito nang ito ay sulatin ni Moises, subali’t hindi ito ang kalagayan mula sa pasimula. (Ihambing ang Genesis 5:3-32.) Sinasabi ng Hebreo 9:27, “Ang tao ay nakatakdang mamatay minsan magpakailanman.” Ito rin ay totoo nang ito ay sulatin. Subali’t hindi ganito ang kalagayan bago hatulan ng Diyos ang makasalanang si Adan.

      Bakit tayo tumatanda at namamatay?

      Sakdal ang pagkalalang ni Jehova sa unang mag-asawang tao, taglay ang pag-asa na mabuhay magpakailanman. Sinangkapan sila ng malayang pagpapasiya. Susundin ba nila ang kanilang Maylikha udyok ng pag-ibig at pagpapahalaga sa lahat ng ginawa niya para sa kanila? Sila’y may lubos na kakayahan para gawin ito. Sinabi ng Diyos kay Adan: “Datapuwa’t sa punong-kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain, sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain mula roon ay walang pagsalang mamamatay ka.” Sa pamamagitan ng isang ahas na nagsasalita, hinikayat ni Satanas si Eba upang labagin ang utos ni Jehova. Hindi sinaway ni Adan ang kaniyang asawa bagkus ay nakisama sa kaniya sa pagkain ng ipinagbabawal na bungang-kahoy. Tapat sa kaniyang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share