Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Trinidad
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • niyang pinakadakilang utos . . . (Mar. 12:28-30).’ (2) ‘Kailanman ay hindi inangkin ni Jesus na siya’y kapantay ng Diyos. Ang sinabi niya . . . (Juan 14:28).’ (3) ‘Kung gayon, ano ang pinagmulan ng turo ng Trinidad? Pansinin ang sinasabi ng mga kilalang encyclopedia hinggil dito. (Tingnan ang mga pahina 413, 414.)’

      O maaari ninyong sabihin: ‘Hindi, hindi po ako naniniwala sa Trinidad. Alam ninyo, may mga teksto sa Bibliya na hindi ko maitutugma sa turong iyan. Narito ang isa. (Mat. 24:36) Baka kaya ninyong ipaliwanag ito sa akin.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Kung ang Anak ay kapantay ng Ama, bakit may alam ang Ama na hindi alam ng Anak?’ Kung ang sagot nila ay na totoo lamang ito noong siya’y nasa anyong tao, maitatanong mo: (2) ‘Nguni’t bakit hindi alam ng banal na espiritu?’ (Kung may taimtim na interes sa katotohanan ang iyong kausap, ipakita sa kaniya kung ano ang aktuwal na sinasabi ng mga Kasulatan hinggil sa Diyos. (Awit 83:18; Juan 4:23, 24)

      Isa pang posibilidad: ‘Naniniwala po kami kay Jesu-Kristo nguni’t hindi sa Trinidad. Bakit? Sapagka’t ang paniniwala namin ay tulad ng paniniwala ni apostol Pedro tungkol kay Kristo. Pansinin ang kaniyang sinabi . . . (Mat. 16:15-17).’

      Isang karagdagang mungkahi: ‘Napansin ko na hindi pare-pareho ang nasasaisip ng tao pagka Trinidad ang pinag-uusapan. Baka madali kong masagot ang tanong ninyo kung malalaman ko ang pagkaunawa ninyo doon.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Salamat sa inyong paliwanag. Nguni’t ang pinaniniwalaan ko ay iyon lamang itinuturo ng Bibliya. Nakakita po ba kayo ng salitang “Trinidad” sa Bibliya? . . . . (Ipakita ang konkordansiya sa Bibliya mo.) Nguni’t si Kristo ba’y binanggit sa Bibliya? . . . Oo, at naniniwala kami sa kaniya. Pansinin dito sa konkordansiya sa ilalim ng “Kristo” na ang isa sa mga reperensiya ay ang Mateo 16:16. (Basahin ito.) Iyan ang aking pinaniniwalaan.’

      O maaari kayong sumagot (lalo na kung ang binigyang pansin ng tao ay ang Juan 1:1): ‘Alam ko ang talatang iyan. Sinasabi ng ilang mga salin ng Bibliya na si Jesus ay “Diyos,” samantalang sinasabi ng iba na siya’y “isang diyos.” Bakit po kaya?’ (1) ‘Ito kaya ay dahil sa sinasabi ng sumunod na talata na siya’y “kasama ng Diyos”?’ (2) ‘O kaya dahil din sa sinasabi dito sa Juan 1:18?’ (3) ‘Naisip-isip mo ba kung baga si Jesus mismo ay may sinasambang Diyos? (Juan 20:17)’

      ‘Naniniwala ba kayo na si Kristo ay may pagka-diyos?’

      Maaari kayong sumagot: ‘Opo, naniniwala po ako. Nguni’t marahil ang nasa isip ko ay hindi tulad sa iniisip ninyo kapag sinasabing “may pagka-diyos” si Kristo.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Bakit gayon ang aking sinasabi? Buweno, sa Isaias 9:6 si Jesu-Kristo ay tinatawag na “Makapangyarihang Diyos,” nguni’t ang kaniyang Ama lamang ang tinutukoy sa Bibliya bilang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.’ (2) ‘At pansinin na sa Juan 17:3 tinawag ni Jesus ang kaniyang Ama na “iisang Diyos na tunay.” Kaya ang masasabi lamang natin ay na si Jesus ay isa lamang paglalarawan ng tunay na Diyos.’ (3) ‘Ano ang hinihiling sa atin upang makalugod sa Diyos? (Juan 4:23, 24)’

  • Wika, Pagsasalita ng mga
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Wika, Pagsasalita ng mga

      Kahulugan: Isang pantanging kaloob ng banal na espiritu sa ilang mga alagad ng unang kongregasyong Kristiyano na nagpangyari sa kanilang mangaral o kaya’y lumuwalhati sa Diyos sa isang wikang hindi nila sarili.

      Sinasabi ba ng Bibliya na lahat ng mga magtataglay ng espiritu ng Diyos ay “magsasalita ng mga wika”?

      1 Cor. 12:13, 30: “Sa isang espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan . . . Hindi lahat ay may mga kaloob ng pagpapagaling, hindi ba? Hindi lahat ay nakapagsasalita ng mga wika, hindi ba?” (Gayundin ang 1 Corinto 14:26)

      1 Cor. 14:5: “Ibig ko sanang kayong lahat ay magsalita ng mga wika, datapuwa’t lalo na ang kayo’y manghula. Ang totoo, lalong dakila ang nanghuhula kay sa nagsasalita ng mga wika, maliban na kung siya’y magsasalin, upang mapatibay ang kongregasyon.”

      Ang pagsasalita ba na parang hibang sa isang wikang hindi dating pinag-aralan ay nagpapatunay na taglay ng isang tao ang banal na espiritu?

      Ang kakayahan ba na “magsalita ng mga wika” ay maaaring hindi sa Diyos nagmumula?

      1 Juan 4:1: “Mga minamahal, huwag kayong maniwala sa bawa’t kinasihang kapahayagan [“bawa’t espiritu,” KJ, RS], kundi subukin ninyo ang mga kinasihang kapahayagan upang makita kung sila’y mula sa Diyos.” (Tingnan din ang Mateo 7:21-23; 2 Corinto 11:14, 15.)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share