-
Pagkabuhay-MuliNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
na puntod] ni haiʹdes [dako ng mga patay, ang karaniwang libingan ng patay na sangkatauhan] kundi ang pangmaramihang anyong dative ng mne·meiʹon [alaala, alaalang libingan]. Pinatitingkad nito ang pag-iingat sa alaala ng yumao. Ang mga bubuhaying-muli na may pagkakataong mabuhay magpakailanman ay hindi yaong mga nasa Gehenna na pinawi sa alaala dahil sa mga kasalanang walang kapatawaran kundi yaong mga nasa alaala ng Diyos.—Mat. 10:28; Mar. 3:29; Heb. 10:26; Mal. 3:16.)
Gawa 24:15: “May pag-asa ako sa Diyos . . . na magkakaroon ng pagkabuhay-muli ng mga matuwid at di-matuwid.” (Kapuwa yaong mga namuhay ayon sa matuwid na daan ng Diyos at yaong nakagawa ng kasamaan dahil sa kawalang-alam, ay bubuhaying-muli. Hindi sinasagot ng Bibliya ang lahat ng ating mga katanungan kung baga ang ilang mga indibiduwal na namatay ay bubuhaying-muli. Nguni’t matitiyak natin na ang Diyos, na may kabatiran sa lahat ng bagay, ay kikilos nang walang pagtatangi, taglay ang katarungan na hinaluan ng awa na hindi nagwawalang-bahala sa kaniyang matuwid na mga pamantayan. Ihambing ang Genesis 18:25.)
Apoc. 20:13, 14: “Ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya, at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila, at sila’y hinatulan bawa’t isa ayon sa kani-kaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, ang dagatdagatang apoy.” (Kaya, yaong mga namatay bunga ng kasalanan ni Adan ay bubuhaying-muli, sila man ay nailibing sa dagat o sa Hades, ang karaniwang makalupang libingan ng patay na sangkatauhan.)
Tingnan din ang paksang “Kaligtasan.”
Kung may bilyun-bilyon na bubuhayin mula sa mga patay, saan sila maninirahan?
Ang pinakamataas na kalkulasyon sa bilang ng mga taong nabuhay sa lupa mula noon hanggang ngayon ay 20,000,000,000. Gaya ng atin nang nakita, hindi lahat ng mga ito ay bubuhaying-muli. Nguni’t, kahit na ipagpalagay natin na lahat ay bubuhayin, magiging maluwag pa rin ang lupa para sa kanila. Ang kabuuan ng lupang katihan sa kasalukuyan ay mga 57,000,000 milyang kuwadrado (147,600,000 kilometrong kuwadrado). Kung ang kalahati nito ay ibubukod sa ibang layunin, magkakaroon pa rin ng kulang-kulang sa isang acre (mga 0.37 ektarya) ang bawa’t tao, na makapaglalaan ng labis-labis na pagkain. Ang sanhi ng mga kakapusan ng pagkain sa kasalukuyan ay hindi ang kawalang-kakayahan ng lupa na maglaan ng sapat kundi, sa halip, ang makapolitikang paglalaban-laban at ang kasakiman sa pangangalakal.
Tingnan din ang pahina 231, sa paksang “Lupa.”
-
-
Pagkapanganak-na-MuliNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Pagkapanganak-na-Muli
Kahulugan: Ang pagkapanganak-na-muli ay nagsasangkot ng pagkabautismo sa tubig (‘ipinanganak ng tubig’) at ng pagiging inianak sa espiritu ng Diyos (“ipinanganak ng . . . espiritu”), sa gayo’y nagiging isang anak ng Diyos na may pag-asang makibahagi sa Kaharian ng Diyos. (Juan 3:3-5) Ito’y naging karanasan ni Jesus, at maging ng 144,000 na kasama niyang tagapagmana ng makalangit na Kaharian.
Bakit kailangan ng sinomang Kristiyano na “maipanganak-muli”?
Nilayon ng Diyos na ang isang takdang bilang ng tapat na mga tao ay kasamahin ni Jesu-Kristo sa makalangit na Kaharian
Luc. 12:32: “Huwag kayong mangatakot, munting kawan, sapagka’t nakalulugod na mainam sa inyong Ama na sa inyo’y ibigay ang kaharian.”
Apoc. 14:1-3: “Tumingin ako, at, narito! ang Kordero [si Jesu-Kristo] ay nakatayo sa Bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apatnapu’t-apat na libong . . . mga binili mula sa lupa.” (Tingnan ang mga pahina 225, 226, sa paksang “Langit.”)
Ang mga tao’y hindi makakaakyat sa langit na may katawang laman at dugo
1 Cor. 15:50: “Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Diyos, ni ang kasiraan ay magmamana ng walang-kasiraan.”
Juan 3:6: “Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng espiritu ay espiritu nga.”
Yaon lamang mga “ipinanganak-muli,” sa gayo’y nagiging mga anak ng Diyos, ang maaaring makabahagi sa makalangit na Kaharian
Juan 1:12, 13: “Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y [si Jesu-Kristo] nagsitanggap ay pinagkalooban niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos, sapagka’t sila’y nagsisampalataya sa
-