-
MisaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Sinasabi ng The Catholic Encyclopedia: “Ibig ng Iglesiya na ang Misa ay malasin bilang isang ‘tunay at wastong hain’ . . . Gayunman, ang pangunahing pinagkunan ng doktrina namin ay ang tradisyon, na mula nang sinaunang panahon ay naghahayag ng bisa ng pagsusumamo sa Sakripisyo ng Misa.”—(1913), Tomo X, p. 6, 17.
Si Jesus mismo ay nagsabi: “Gawin ito bilang alaala sa akin.” (Luc. 22:19; 1 Cor. 11:24, JB) Sa Lucas 22:19, ang Kx at Dy ay kababasahan ng: “Gawin ito bilang paggunita sa akin.” Ang NAB ay kababasahan ng: “Gawin ito bilang pag-aalaala sa akin.” Hindi sinabi ni Jesus na ang ginawa niya sa Huling Hapunan ay isang hain ng kaniyang sarili o na dapat ulitin ng kaniyang mga alagad ang kaniyang hain.
Heb. 9:25-28, JB: “Siya’y hindi kailangang ihandog na paulit-ulit, na gaya ng [Judiong] mataas na saserdote na pumapasok sa santuwaryo taun-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili, sapagka’t kung gayon ay kailangan siyang paulit-ulit na magdusa mula nang itatag ang sanlibutan. Bagkus, siya’y nahayag minsan at magpakailanman . . . upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng paghahain ng kaniyang sarili. Yamang minsan lamang namamatay ang tao, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom, gayon din naman si Kristo ay inihandog nang minsan lamang.” (Idinagdag namin ang mga pahilis.)
Ang lahat bang ito ay basta “isang di-masayod na hiwaga”?
Mayroon ngang binabanggit sa Bibliyang mga banal na misteryo, o banal na lihim. Subali’t wala sa mga ito ang sumasalungat sa inihayag na katotohanan ng Kasulatan. Tungkol sa mga sumusunod muna sa tradisyon bago sa Kasulatan, sinabi ni Jesus: “Mga mapagpaimbabaw! Kayo ang tinukoy ni Isaias sa wastong pagkahula niya: Ang bayang ito’y gumagalang sa akin ng kanilang mga labi, datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin; ang itinuturo nilang aral ay mga utos lamang ng tao.”—Mat. 15:7-9, JB.
Layunin ba ni Jesus na ang memoryal na ito’y ipagdiwang araw-araw o kaya’y linggu-linggo?
Sinasabi ng Basic Catechism: “Ang Pantanging mga Tungkulin ng Katolikong mga Kristiyano” ay naglalakip ng “pakikibahagi sa Misa bilang obligasyon sa bawa’t Linggo at mahal na araw.” (Boston, 1980, p. 21) “Sa katunayan ang mga tapat ay pinasisiglang makibahagi sa Misa at tumanggap ng Komunyon nang madalas, araw-araw kung maaari.”—The Teaching of Christ—A Catholic Catechism for Adults, Pinaikling Edisyon (Huntington, Ind.; 1979), p. 281.
Ang lahat ba ng binabanggit sa Kasulatan na “pagpuputul-putol ng tinapay” ay tumutukoy sa pagdiriwang ng kamatayan ni Kristo? (Gawa 2:42, 46; 20:7, JB) Si Jesus ay ‘nagputul-putol ng tinapay’ sa isang pagsasalu-salo kahit bago ang Huling Hapunan. (Mar. 6:41; 8:6) Ang tinapay na ginamit ng mga Judio noong panahong iyon ay hindi katulad ng kinasasanayan ng marami ngayon. Kapag kinakain ito, karaniwan nilang pinuputol ito o pinagpipira-piraso.
Hindi tiniyak ni Jesus kung gaanong kadalas dapat ipagdiwang ang Memoryal ng kaniyang kamatayan. Gayunman, pinasinayaan niya ito sa petsa ng Paskuwa ng mga Judio, na siyang hinalinhan ng Memoryal ng kamatayan ni Kristo sa gitna ng kaniyang mga alagad. Ang Paskuwa ay taunang pangyayari, na ipinagdiwang sa Nisan 14. Katulad din nito, ang Judiong Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura, ang Kapistahan ng mga Sanlinggo (Pentekostes), ang Kapistahan ng mga Balag, o Pag-aani, at ang Araw ng Katubusan ay pawang ipinagdiwang minsan bawa’t taon.
Ang Pagmimisa ba ay nagdudulot ng ginhawa sa mga kaluluwang nasa purgatoryo?
Sinasabi ng The Teaching of Christ—A Catholic Catechism for Adults: “Ang salitang ‘purgatoryo’ ay wala sa Bibliya, ni malinaw na itinuturo doon ang doktrina ng purgatoryo. . . . Sa sulat ng mga Ama ay maraming reperensiya hindi lamang sa pag-iral ng purgatoryo, kundi rin naman sa bagay na ang tapat na mga yumao ay matutulungan ng pananalangin ng mga buháy, lalo na sa Sakripisyo ng Misa.”—p. 347, 348.
Tungkol sa kalagayan ng mga patay, sinasabi ng Banal na Kasulatan: “Alam ng mga buháy na sila’y mamamatay, ang mga patay ay walang nalalamang anoman.” (Ecles. 9:5, JB) “Ang kaluluwa [“kaluluwa,” Kx; “tao,” JB] na nagkakasala, ay mamamatay.” (Ezek. 18:4, Dy) (Tingnan din ang mga pahina 107-109, sa ilalim ng paksang “Kamatayan.”)
-
-
NeutralidadNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Neutralidad
Kahulugan: Ang katayuan ng mga hindi kumakampi o tumatangkilik sa alinman sa dalawa o higit pang magkakalabang panig. Maging sa sinauna at makabagong kasaysayan, ang mga tunay na Kristiyano sa
-