-
New World TranslationNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
mga tagapagsalin ay nanatiling lubos sa kung ano ang nasa orihinal na mga wika ng Bibliya.’
O maaari ninyong sabihin: ‘Batay sa inyong sinabi, seguro may Bibliya kayo sa bahay. Anong salin ng Bibliya ang ginagamit ninyo? . . . Maaari po bang kunin ninyo?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Alinmang salin ang ginagamit natin, sa Juan 17:3 idiniin ni Jesus sa ating lahat kung ano ang pinakamahalagang bagay na dapat isaisip, gaya ng inyong makikita dito mismo sa sarili ninyong Bibliya. . . . ’
Isa pang posibilidad: ‘Marami ang mga salin ng Bibliya. Iminumungkahi ng aming Samahan na gamitin ang iba’t-iba sa mga ito upang makagawa ng paghahambing at upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang tunay na kahulugan ng mga Kasulatan. Marahil ay alam ninyo na ang Bibliya noong una ay isinulat sa Hebreo, Aramaiko, at Griyego. Kaya pinasasalamatan natin ang ginawa ng mga tagapagsalin upang mailagay ito sa ating wika. Aling salin ng Bibliya ang ginagamit ninyo?’
Isang karagdagang mungkahi: ‘Maliwanag na kayo’y isang taong may pag-ibig sa Salita ng Diyos. Kaya natitiyak kong gusto ninyong malaman kung ano ang isa sa pinakamalaking kaibahan ng New World Translation kung ihambing sa ibang mga bersiyon. Ito’y may kinalaman sa pangalan ng pinakamahalagang personang binanggit sa mga Kasulatan. Alam po ba ninyo kung sino ito?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Alam ba ninyo na ang kaniyang personal na pangalan ay lumilitaw sa Bibliya sa orihinal na Hebreo nang mga 7,000 beses—higit pa kaysa alinmang ibang pangalan?’ (2) ‘Bakit mahalaga kung baga gagamitin natin ang personal na pangalan ng Diyos o hindi? Buweno, mayroon ba kayong matalik na mga kaibigan na hindi ninyo kilala sa pangalan? . . . Kung nais nating magkaroon ng isang personal na kaugnayan sa Diyos, ang unang mahalagang gawin ay ang malaman ang kaniyang pangalan. Pansinin ang sinabi ni Jesus sa Juan 17:3, 6. (Awit 83:18)’
-
-
OrganisasyonNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Organisasyon
Kahulugan: Isang kalipunan o samahan ng mga tao na nagsasamasama ukol sa isang partikular na gawain o layunin. Ang mga miyembro ng isang organisasyon ay pinagkakaisa sa pamamagitan ng kaayusan ng pamunuan at ng mga pamantayan o mga kahilingan. Ang mga naaalay at bautisadong mga saksi ni Jehova ay pumapasok sa organisasyon ni Jehova dahil sa personal nilang pagpapasiya, hindi dahil sa kapanganakan o ng anomang pamimilit. Sila’y naaakit sa kaniyang makalupang organisasyon dahil sa mga turo at gawain nito at sapagka’t nais nilang makibahagi sa gawaing isinasagawa nito.
Talaga bang may organisasyon si Jehova dito sa lupa?
Bilang sagot sa tanong na iyon, isaalang-alang ang sumusunod:
Organisado ba ang makalangit na mga nilalang ng Diyos, ang mga anghel?
Dan. 7:9, 10: “Aking minasdan hanggang sa ang mga luklukan ay nailagay at ang Matanda sa mga Araw ay nakaupo. Ang kaniyang suot ay maputing parang niebe, at ang buhok ng kaniyang ulo ay parang taganas na lana. Ang kaniyang luklukan ay mga liyab ng apoy; ang mga gulong niyaon ay nagniningas na apoy. Isang sigalbo ng apoy ay lumabas at nagmula sa harap niya. Mga libu-libo ang naglilingkod sa kaniya, at maka-sampung libo na sampung libo ang nagsitayo sa harap niya. Ang Hukuman ay nagsimulang humatol, at may mga aklat na nangabuksan.”
Awit 103:20, 21: “Purihin ninyo si Jehova, O mga anghel niya, na malakas sa kapangyarihan, at gumaganap ng kaniyang salita, sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng kaniyang salita. Purihin ninyo si Jehova, kayong lahat ng mga hukbo niya, kayong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kalooban.” (Ang isang “hukbo” ay isang organisadong grupo.)
Papaanong ang mga tagubilin ay pinarating ng Diyos sa kaniyang mga lingkod sa lupa noong unang panahon?
Noong kakaunti pa ang mga mananamba ni Jehova, nagbigay siya ng mga tagubilin sa mga ulo ng pamilya tulad ni Noe at ni Abraham, at sila’y kumilos bilang tagapagsalita ni Jehova sa kani-kanilang mga sambahayan. (Gen. 7:1, 7; 12:1-5) Nang iligtas ni Jehova ang mga Israelita sa Ehipto, siya’y nagbigay ng mga tagubilin sa pamamagitan ni Moises. (Exo. 3:10) Sa Bundok Sinai, inorganisa ni Jehova ang bayan upang maging isang bansa, na naglaan ng mga kautusan at mga tuntunin may kinalaman sa kanilang pagsamba at sa kaugnayan nila sa isa’t-isa. (Exo. 24:12) Nagtatag siya ng isang pagkasaserdote upang manguna sa pagsamba at turuan ang mga tao sa mga kahilingan ni Jehova; may panahon na ibinangon din niya ang mga propeta upang maghatid ng kinakailangang payo at babala sa mga tao. (Deut. 33:8, 10; Jer. 7:24, 25) Kaya, bagama’t dininig ni Jehova ang pananalangin ng indibiduwal na mga mananamba, naglaan siya ng mga tagubilin sa kanila sa pamamagitan ng isang organisasyon.
Nang lumapit na ang panahon upang ang tunay na mga mananamba ay pagkaisahin sa kaniya sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, siya’y sinugo ng Diyos sa lupa bilang Kaniyang tagapagsalita. (Heb. 1:1, 2) Kung magkagayon, nang ibuhos ang banal na espiritu noong Pentekostes ng 33 C.E., itinatag ang kongregasyong Kristiyano. Pagbalik ni Jesus sa langit, ang kongregasyong ito ang siyang naging kaayusan niya sa pagbibigay ng mga tagubilin at upang pagkaisahin ang gawain ng indibiduwal na mga Kristiyano. May mga tagapangasiwa na nanguna sa lokal na mga kongregasyon, at isang sentral na lupong tagapamahala ang gumawa ng kinakailangang mga pagpapasiya at tumulong sa pag-oorganisa ng gawain. Maliwanag na si Jehova ay may itinatag na organisasyon sa lupa na binubuo ng tunay na mga Kristiyano.—Gawa 14:23; 16:4, 5; Gal. 2:7-10.
Ipinakikita ba ng pisikal na mga gawang paglalang ni Jehova na siya’y isang Diyos ng organisasyon?
Isa. 40:26: “Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas, at masdan ninyo. Sino ang lumikha sa mga ito? Siya na tumutuos sa kanilang hukbo ayon sa bilang, na lahat ay kaniyang tinatawag sa pangalan. Sa pamamagitan ng kadakilaan ng kaniyang dinamikong lakas, at dahil sa siya’y malakas sa kapangyarihan, ay wala ni isa mang nagkukulang.” (Ang mga bituin ay pinagsasamasama upang bumuo ng mga galaksi at kumikilos nang may pagkakasuwato sa isa’t-isa, bagama’t magkakaiba ang mga katangian ng indibiduwal na mga bituin. Ang mga planeta ay kumikilos sa eksaktong panahon sa kanilang itinakdang mga palaikutan. Ang mga elektron sa loob ng bawa’t atomo ng bawa’t elemento ay may mga palaikutan din. At ang kayarian ng lahat ng materya ay umaayon sa nagkakaparehong mga tuntunin ng matematika anupa’t naging posibleng hulaan ng mga siyentista ang pag-iral ng ilang mga elemento bago pa matuklasan ang mga ito. Ang lahat ng ito ay katunayan ng di-pangkaraniwang organisasyon.)
Ipinakikita ba ng Bibliya na ang tunay na mga Kristiyano ay magiging organisadong bayan?
Mat. 24:14; 28:19, 20: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.” “Humayo nga kayo at gawing alagad ang mga tao sa lahat ng bansa, na binabautismuhan sila . . . na tinuturuan sila.” (Papaano maisasagawa ito kung walang organisasyon? Nang sinanay ni Jesus ang una niyang mga alagad sa gawaing ito, hindi Niya basta sinabi sa bawa’t isa na humayo kahit saan ang gusto niya at ibahagi ang kaniyang pananampalataya sa anomang paraang magustuhan niya. Sinanay niya sila, binigyan niya sila ng mga tagubilin at sinugo sila sa isang organisadong paraan. Tingnan ang Lucas 8:1; 9:1-6; 10:1-16.)
Heb. 10:24, 25: “Tayo’y mangagtinginan upang tayo’y mangaudyok sa pag-iibigan at mabubuting gawa, na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipong samasama, gaya ng ugali ng iba, kundi magpalakasan sa isa’t isa, at lalong lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.” (Nguni’t saan maaaring akayin ng isa ang mga taong interesado upang kanilang masunod ang utos na ito kung walang organisasyon na may regular na pagpupulong na madadaluhan nila?)
1 Cor. 14:33, 40: “Ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. . . . Gawin ninyo sa angkop at maayos na paraan ang lahat ng mga bagay.” (Dito ang tinatalakay ni apostol Pablo ay ang maayos na paraang dapat sundin sa mga pulong ng kongregasyon. Ang pagkakapit ng kinasihang payong ito ay humihiling ng paggalang sa organisasyon.)
1 Ped. 2:9, 17: “Datapuwa’t kayo’y ‘isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, isang bansang banal, isang bayan na pantanging pag-aari, upang inyong ipahayag ang mga karangalan’ niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kaniyang kagilagilalas na liwanag. . . . Ibigin ninyo ang buong pagkakapatiran.” (Ang pagkakapatiran na samasamang gumagawa upang isakatuparan ang isang partikular na gawain ay isang organisasyon.)
Ang mga tapat na lingkod ba ng Diyos ay mga indibiduwal lamang na kabilang sa iba’t-ibang mga iglesiya ng Sangkakristiyanuhan?
2 Cor. 6:15-18: “Anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di-sumasampalataya? . . . ‘Kaya nga, magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo,’ sabi ni Jehova, ‘at huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi’; ‘at kayo’y aking tatanggapin.’ ‘At ako’y magiging ama ninyo, at kayo’y magiging aking mga anak na lalake at babae,’ sabi ni Jehova na Makapangyarihan-sa-Lahat.” (Talaga bang tapat na lingkod ng Diyos ang isa kung patuloy siyang sumasamba kasama ng mga tao na nagpapakita sa kanilang pamumuhay na sila’y mga di-sumasampalataya? Tingnan ang paksang “Babilonyang Dakila.”)
1 Cor. 1:10: “Ngayo’y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na kayong lahat ay magsalita ng isa lamang bagay, at huwag magkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi, kundi kayo’y magkaroon ng lubos na pagkakaisa sa isa lamang diwa at isa lamang takbo ng kaisipan.” (Ang gayong pagkakaisa ay hindi umiiral sa iba’t-ibang mga iglesiya ng Sangkakristiyanuhan.)
Juan 10:16: “Mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito; sila’y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig, at sila’y magiging isang kawan, isang pastol.” (Yamang ang mga ito ay dadalhin ni Jesus sa “isang kawan,” hindi ba maliwanag na hindi sila maaaring kabilang sa iba’t-ibang mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan?)
Papaano makikilala ang nakikitang organisasyon ni Jehova sa ating kaarawan?
(1) Itinatanghal nito si Jehova bilang tanging tunay na Diyos, at dinadakila ang kaniyang pangalan.—Mat. 4:10; Juan 17:3.
(2) Lubos na kinikilala nito ang mahalagang papel ni Jesu-Kristo sa layunin ng Diyos—bilang tagapagbangong-puri ng pagkasoberano ni Jehova, Punong Ahente ng buhay, ulo ng kongregasyong Kristiyano, at nagpupunong Mesiyanikong Hari.—Apoc. 19:11-13; 12:10; Gawa 5:31; Efe. 1:22, 23.
(3) Ito’y mahigpit na nanghahawakan sa kinasihang Salita ng Diyos, at lahat ng mga turo at pamantayan nito ay nasasalig sa Bibliya.—2 Tim. 3:16, 17.
(4) Ito’y nananatiling hiwalay sa sanlibutan.—Sant. 1:27; 4:4.
(5) Iniingatan nito ang mataas na uri ng kalinisang asal sa kaniyang mga miyembro, sapagka’t si Jehova din ay banal.—1 Ped. 1:15, 16; 1 Cor. 5:9-13.
(6) Ang pangunahing pinagkakaabalahan nito ay ang gawaing inihula ng Bibliya para sa ating kaarawan, alalaong baga’y, ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa buong sanlibutan bilang pagpapatotoo.—Mat. 24:14.
(7) Sa kabila ng di-kasakdalan ng tao, nililinang at iniluluwal ng mga miyembro nito ang mga bunga ng espiritu ng Diyos—pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kaamuan, pagpipigil-sa-sarili—na ginagawa ito sa di-pangkaraniwang antas anupa’t namumukod sila sa sanlibutan sa pangkalahatan.—Gal. 5:22, 23; Juan 13:35.
Papaano natin maipapakita ang paggalang sa organisasyon ni Jehova?
1 Cor. 10:31: “Gawin ninyo ang lahat ng bagay sa ikaluluwalhati ng Diyos.”
Heb. 13:17: “Magsitalima kayo sa mga nangunguna sa inyo at kayo’y pasakop sa kanila, sapagka’t sila’y nagbabantay sa inyong mga kaluluwa na parang sila ang magsusulit.”
Sant. 1:22: “Maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang.”
Tito 2:11, 12: “Nahayag ang di-na-sana nararapat na kabaitan ng Diyos na nagdadala ng kaligtasan sa lahat ng uri ng tao, na nagtuturo sa atin na tumanggi sa kalikuan at sa makasanlibutang mga pita at mamuhay nang may matinong pag-iisip at sa katuwiran at kabanalan.”
1 Ped. 2:17: “Ibigin ninyo ang buong pagkakapatiran.”
-
-
Pag-aasawaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Pag-aasawa
Kahulugan: Ang pagsasama ng isang lalake at isang babae upang mamuhay bilang mag-asawa ayon sa pamantayang inilagay sa Banal na Kasulatan. Ang pag-aasawa ay isang banal na kaayusan. Ito’y naglalaan ng isang matalik na kaugnayan sa pagitan ng lalake at babae pati na rin ng panatag na damdamin dahil sa umiiral na pagmamahalan at dahil sa personal na pagsusumpaan ng magkabiyak. Nang una niyang isaayos ang pag-aasawa, ginawa ito ni Jehova hindi lamang upang maglaan ng isang matalik na kasama bilang kapupunan ng lalake kundi upang gumawa din ng paglalaan sa pagpapakarami ng mga tao sa loob ng kaayusang pampamilya. Ang legal na pagpaparehistro ng pag-aasawa na tinatanggap ng kongregasyong Kristiyano ay hinihiling kailanpama’t magagawa.
Talaga bang mahalaga ang magpakasal ayon sa legal na mga kahilingan?
Tito 3:1: “Ipaalaala mo sa kanilang pasakop sa mga pinuno at maging masunurin sa mga pamahalaan at maykapangyarihan.” (Kapag sinunod ang mga tagubiling ito, ang pangalan ng magkabilang partido ay iniingatang walang kapintasan, at iniiwasan ng mga anak ang upasalang karaniwang nararanasan niyaong ang mga magulang ay hindi kasal. Bilang karagdagan, ang legal na pagpaparehistro ng pag-aasawa ay nagsasanggalang sa karapatan ng pamilya sa ari-arian kapag namatay ang isa sa magkabiyak.)
Heb. 13:4: “Maging marangal sa lahat ang pag-aasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan, sapagka’t ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng
-