Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagkapanganak-na-Muli
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Isang karagdagang mungkahi: Yaong mga uring makalangit ay maaaring sumagot: ‘Opo, ganoon nga. Pero binabalaan tayo ng Bibliya laban sa labis na pagtitiwala sa ating katayuan. Kailangan natin na patuluyang suriin ang ating sarili upang matiyak na talagang ginagawa natin ang hinihiling ng Diyos at ni Kristo. (1 Cor. 10:12)’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Anong pananagutan ang iniatang ni Jesus sa kaniyang tunay na mga alagad? (Mat. 28:19, 20; 1 Cor. 9:16)’

  • Pagdurusa
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Pagdurusa

      Kahulugan: Ang dinadanas ng isang tao kapag nagtitiis ng kirot o hapis. Ang pagdurusa ay maaaring maging pisikal, mental o emosyonal. Maraming bagay ang makapagdudulot ng pagdurusa; halimbawa, ang pinsalang dulot ng digmaan at ng kasakiman sa pangangalakal, ang mga minanang kahinaan, karamdaman, aksidente, “kasakunaang dulot ng kalikasan,” nakasasakit na salita o gawa ng iba, panggigipit ng mga demonyo, takot sa napipintong kapahamakan, o ang sariling kamangmangan ng isa. Ang pagdurusang dulot ng mga bagay na ito ang siyang isasaalang-alang dito. Gayunman, maaaring dumanas ng pagdurusa ang isa sapagka’t siya’y nanlulumo dahil sa kahirapan ng ibang tao o kaya’y namimighati dahil sa masamang ugaling kaniyang nakikita.

      Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa?

      Sino ang talagang dapat sisihin?

      Mga tao ang dapat sisihin sa kalakhan ng pagdurusa. Nagdidigmaan sila, gumagawa ng mga krimen, nagpaparumi sa kapaligiran, madalas na nangangalakal dahil sa kasakiman sa halip na dahil sa kanilang pagmamalasakit sa kapuwa, at kung minsa’y nagpapakasawa sa mga gawaing alam nilang makapipinsala sa kalusugan. Pagka ginagawa nila ang mga bagay na ito, kanilang pinipinsala ang iba at ang kanilang sarili. Makatuwiran bang isipin na hindi daranasin ng tao ang masamang epekto ng kanilang ginagawa? (Gal. 6:7; Kaw. 1:30-33) Makatuwiran bang isisi sa Diyos ang mga bagay na ginagawa ng mga tao?

      Si Satanas at ang kaniyang mga demonyo ay may pananagutan din. Isinisiwalat ng Bibliya na marami ang nagdurusa dahil sa impluwensiya ng balakyot na mga espiritu. Ang pagdurusang isinisisi ng marami sa Diyos ay hindi pala sa kaniya nagmumula.​—Apoc. 12:12; Gawa 10:38; tingnan din ang mga pahina 397, 398, sa paksang “Satanas na Diyablo.”

      Papaano nagsimula ang pagdurusa? Sa pagsusuri ng mga sanhi nito, kailangang pag-ukulan natin ng pansin ang una nating mga magulang, sina Adan at Eba. Nilikha sila ng Diyos na sakdal at inilagay sa tulad paraisong mga kapaligiran. Kung sinunod nila ang Diyos, hindi sana sila nagkasakit at namatay. Maaari nilang tamasahin ang sakdal na buhay-tao magpakailanman. Ang pagdurusa ay hindi bahagi ng layunin ng Diyos para sa sangkatauhan. Nguni’t maliwanag na sinabihan ng Diyos si Adan na ang patuloy nilang pagtatamasa sa mga ipinagkaloob Niya sa kanila ay depende sa pagkamasunurin nila. Maliwanag na kailangan nilang huminga, kumain, uminom, at matulog upang patuloy na mabuhay. At kailangan nilang ingatan ang moral na mga kahilingan ng Diyos upang lubos na maligayahan sa buhay na iyon magpakailanman. Nguni’t sariling lakad ang pinili nila, at gumawa ng sarili nilang mga pamantayan tungkol sa kung ano ang mabuti at masama, sa gayo’y tumalikod sa Diyos, ang Tagapagbigay-Buhay. (Gen. 2:16, 17; 3:1-6) Ang kasalanan ay nagdulot ng kamatayan. Makasalanan sina Adan at Eba nang sila’y magkaanak, at hindi nila maipamana sa kanilang mga anak ang hindi na nila taglay. Ang lahat ay ipinanganak sa kasalanan, na may hilig na gumawa ng masama, may mga kahinaang makapagdudulot ng sakit, isang makasalanang mana na sa wakas ay aakay sa kamatayan. Sapagka’t ang lahat ng nasa lupa ngayon ay ipinanganak sa kasalanan, lahat tayo ay nagdaranas ng pagdurusa sa iba’t ibang mga paraan.​—Gen. 8:21; Roma 5:12.

      Sinasabi ng Eclesiastes 9:11 na “ang panahon at di-inaasahang pangyayari” ay may epekto rin sa nagaganap sa ating buhay. Maaaring nasaktan tayo, hindi dahil sa ito’y tuwirang sinadya ng Diyablo o dahil sa kagagawan ng sinomang tao, kundi dahil sa nagkataong tayo ay nasa dakong iyon sa maling panahon.

      Bakit hindi kumikilos ang Diyos upang dulutan ng ginhawa ang sangkatauhan? Bakit lahat tayo ay kailangang magdusa dahil sa ginawa ni Adan?

      Sa Bibliya, sinasabi sa atin ng Diyos kung paano tayo makaiiwas sa maraming pagdurusa. Nakapaglaan siya ng pinakamahusay na payo ukol sa pamumuhay. Kapag ikinapit, ito’y nagbibigay ng tunay na layunin sa ating buhay, nagpapaligaya sa buhay pampamilya, naglalapit sa atin sa mga taong tunay na nag-iibigan sa isa’t isa, at nagsasanggalang sa atin sa mga gawaing nagdudulot ng malaking pagdurusa sa ating katawan. Kung ating wawaling-bahala ang tulong na iyan, dapat ba nating sisihin ang Diyos sa ligalig na idinudulot natin sa ating sarili at sa iba?​—2 Tim. 3:16, 17; Awit 119:97-105.

      May paglalaan si Jehova upang wakasan ang lahat ng pagdurusa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share