-
PagpapagalingNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Kung talagang napagaling ang isa, mahalaga pa ba kung papaano ito nangyari?
2 Tes. 2:9, 10: “Ang pagkanaririto ng tampalasan ay ayon sa paggawa ni Satanas kalakip ang bawa’t makapangyarihang gawa [“bawa’t uri ng himala,” JB] at kahangahangang mga kasinungalingan at tanda at kalakip ang bawa’t mapandayang kalikuan para sa mga nauukol sa kapahamakan, bilang isang ganti sapagka’t hindi nila tinanggap ang pag-ibig sa katotohanan upang sila’y mangaligtas.”
Luc. 9:24, 25: “Ang sinomang mag-ibig na iligtas ang kaniyang kaluluwa [“buhay,” RS, JB, TEV] ay mawawalan nito; datapuwa’t ang sinomang mawalan ng kaniyang kaluluwa dahil sa akin ang magliligtas nito. Ano nga ang pakikinabangin ng isang tao kung makamit man niya ang buong sanlibutan kung maiwawala naman niya ang kaniyang sarili o kaya’y dumanas ng kapahamakan?”
Anong pag-asa mayroon ukol sa tunay na pagpapagaling mula sa lahat ng karamdaman?
Apoc. 21:1-4: “Nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa; sapagka’t ang dating langit at ang dating lupa ay lumipas na . . . ‘At papahirin niya [ng Diyos] ang bawa’t luha sa kanilang mga mata, at mawawala na ang kamatayan, pati na ang dalamhati at ang panambitan at ang hirap. Ang mga dating bagay ay lumipas na.’ ”
Isa. 25:8: “Sasakmalin niya ang kamatayan magpakailanman, at papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang luha mula sa lahat ng mga mukha.” (Ganoon din ang Apocalipsis 22:1, 2)
Isa. 33:24: “Walang mamamayan na magsasabi: ‘Ako’y may sakit.’ ”
Kung May Magsasabi—
‘Sumasampalataya ba kayo sa pagpapagaling?’
Maaari kayong sumagot: ‘Sinomang hindi naniniwala na ang Diyos ay may kapangyarihang magpagaling ay hindi naniniwala sa Bibliya. Subali’t tama nga kaya ang paraan ng pagpapagaling na ginagawa ng mga tao sa ngayon?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Ipahintulot ninyong basahin ko ang isang kasulatan, at tingnan ninyo kung may mapapansin kayo na naiiba sa ating kaarawan. (Mat. 10:7, 8) . . . Napansin din ba ninyo rito ang sinabi ni Jesus na gagawin ng kaniyang mga alagad subali’t hindi pa kailanman nagagawa ng mga tagapagpagaling sa ngayon? (Hindi nila kayang buhayin ang mga patay.)’ (2) ‘Hindi tayo hukom ng ibang mga tao, subali’t kapansinpansin na sinabi ng Mateo 24:24 ang isang bagay na dapat nating pag-ingatan.’
O maaari ninyong sabihin: ‘Tiyak pong naniniwala ako na totoo ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagpapagaling. Subali’t ang alinmang pagpapagaling na nagagawa sa kasalukuyang sistemang ito ay nagdudulot lamang ng pansamantalang mga pakinabang, hindi po ba? Sa kalaunan tayong lahat ay mamamatay. Darating kaya ang panahon na lahat ng nabubuhay ay magtatamasa ng mabuting kalusugan at hindi na nila kakailanganing mamatay? (Apoc. 21:3, 4)’
-
-
Pagsamba sa NinunoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Pagsamba sa Ninuno
Kahulugan: Ang kaugalian ng pagpaparangal at pagsamba sa patay na mga ninuno (sa paraang seremonyal o iba pa) sa paniwalang sila ay may malay sa isang di-nakikitang dako at maaaring makatulong o makapanakit sa mga nabubuhay at dahil dito’y dapat na mapaluguran. Hindi itinuturo ng Bibliya.
Namamalayan ba ng patay na mga ninuno kung ano ang ginagawa ng mga buháy at ang mga ninuno bang ito ay maaaring tumulong sa mga taong nabubuhay?
Ecles. 9:5: “Nalalaman ng mga buháy na sila’y mangamamatay; nguni’t kung tungkol sa mga patay, sila’y walang nalalamang ano pa man.”
Job 14:10, 21: “Nguni’t ang taong makalupa ay namamatay, at saan siya naroroon? Ang kaniyang mga anak ay pinararangalan, nguni’t hindi niya nalalaman.”
Awit 49:10, 17-19: “Maging ang mga pantas ay nangamamatay, ang mangmang at ang hangal ay magkasamang nalilipol, at iniiwanan ang kanilang kayamanan sa iba. . . . Pagka siya’y namatay ay wala siyang dadalhing ano pa man; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang kasunod niya. . . . Ang kaluluwa niya’y magwawakas na gaya rin ng lahi ng kaniyang mga ninuno. Kailanma’y hindi na sila makakakita ng liwanag.”
Hindi ba totoo na ang pagkaing inilalagay sa ibabaw ng isang dambana o puntod ay nananatiling di-nagagalaw? Hindi ba ito nagpapahiwatig na ang mga patay ay hindi nakikinabang mula roon?
Tingnan din ang paksang “Espiritismo.”
-