Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Reinkarnasyon
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • sabihin ng tao na yaon lamang mabubuting tao ang isinisilang muli bilang tao, maaari ninyong itanong: ‘Kung totoo iyon, bakit patuloy na lumalala ang mga kalagayan sa daigdig? . . . Ipinakikita ng Bibliya kung papaano magkakaroon ng tunay na pagsulong sa ating kaarawan. (Dan. 2:44)’

  • Relihiyon
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Relihiyon

      Kahulugan: Isang anyo ng pagsamba. Saklaw nito ang isang sistema ng relihiyosong mga saloobin, paniniwala, at gawain; ang mga ito’y maaaring personal, o kaya’y itinataguyod ng isang organisasyon. Kadalasan ang relihiyon ay nagsasangkot ng paniniwala sa Diyos o sa maraming diyos; o dinidiyos nito ang mga tao, mga bagay, mga mithiin, o mga puwersa. Nasasalig ang maraming relihiyon sa pag-aaral ng tao sa kalikasan; naroon din ang inihayag na relihiyon. Mayroong tunay na relihiyon at mayroon ding huwad na relihiyon.

      Bakit ganiyang karami ang mga relihiyon?

      Ipinakikita ng isang pagsusuri kamakailan lamang na may 10 pangunahing relihiyon at mga 10,000 sekta. Sa mga ito, may 6,000 sa Aprika, 1,200 sa Estados Unidos, at daan-daan pa sa ibang mga lupain.

      Maraming mga bagay ang naging dahilan sa pagdami ng bagong mga grupong relihiyoso. Sinasabi ng iba na ang iba’t ibang mga relihiyon ay iba’t ibang paraan lamang ng paghaharap ng relihiyosong katotohanan. Nguni’t kung ang kanilang mga turo at gawain ay ihahambing sa Bibliya, makikita na ang pagkakaiba-​iba ng relihiyon ay dahilan sa pagsunod nila sa tao sa halip na makinig sa Diyos. Kapansinpansin na ang karamihan sa mga turo na pinagkakasunduan nila, na di naman kaayon ng Bibliya, ay nagmula sa sinaunang Babilonya. (Tingnan ang mga pahina 52, 53, sa paksang “Babilonyang Dakila.”)

      Sino ang tagapagsulsol ng relihiyosong kaguluhang ito? Ipinakikilala ng Bibliya si Satanas na Diyablo bilang “diyos ng pamamalakad na ito ng mga bagay.” (2 Cor. 4:4) Binababalaan tayo nito na “ang mga bagay na inihahain ng mga bansa ay kanilang inihahain sa mga demonyo, at hindi sa Diyos.” (1 Cor. 10:20) Napakahalaga, kung gayon, na ating tiyakin na ang pagsamba natin ay talagang iniuukol sa tunay na Diyos, ang Maylalang ng langit at lupa, at na ito’y nakalulugod sa kaniya!

      Lahat ba ng mga relihiyon ay sinasang-ayunan ng Diyos?

      Huk. 10:6, 7: “At ginawa uli ng mga anak ni Israel ang kasamaan sa paningin ni Jehova, at nagsimulang maglingkod sa mga Baal at sa mga imahen ni Astaroth at sa mga diyos ng Siria at sa mga diyos ng Moab at sa mga diyos ng mga anak ni Ammon at sa mga diyos ng mga Filisteo. Kaya pinabayaan nila si Jehova at hindi naglingkod sa kaniya. Dahil dito ang galit ni Jehova ay nag-alab laban sa Israel.” (Kung sasambahin ng isang tao ang anomang bagay o sinomang persona bukod sa tunay na Diyos, ang Maylalang ng langit at lupa, maliwanag na ang kaniyang paraan ng pagsamba ay hindi sasang-ayunan ni Jehova.)

      Mar. 7:6, 7: “Sinabi niya [ni Jesus] sa kanila [mga Judiong Pariseo at eskriba]: ‘Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, gaya ng nasusulat, “Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kanilang mga labi, datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, sapagka’t nagtuturo ng kanilang pinaka-aral ng mga utos ng tao.” ’ ” (Sinoman ang inaangking sinasamba ng isang grupo, kung sila’y nanghahawakan sa turo ng mga tao sa halip na sa kinasihang Salita ng Diyos, ang kanilang pagsamba ay walang kabuluhan.)

      Roma 10:2, 3: “Sila’y pinatotohanan ko na mayroon silang sigasig sa Diyos; nguni’t hindi ayon sa wastong kaalaman; sapagka’t sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Diyos at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi nagpasakop sa katuwiran ng Diyos.” (Maaaring taglay ng mga tao ang nasusulat na Salita ng Diyos subali’t wala silang wastong kaalaman sa nilalaman nito, sapagka’t hindi sila tinuruan nang wasto. Maaaring isipin nila na sila’y masigasig ukol sa Diyos, nguni’t hindi naman sinusunod ang kaniyang mga kahilingan. Ang kanilang pagsamba ay hindi magiging kalugudlugod sa Diyos, hindi ba?)

      Totoo ba na may mabuti sa lahat ng mga relihiyon?

      Karamihan nga ng mga relihiyon ay nagtuturo na masama ang magsinungaling o magnakaw. Nguni’t sapat na ba ito? Iinumin ba ninyo ang isang basong tubig na may lason sapagka’t may nagsabi sa inyo na ang karamihan sa iniinom ninyo ay tubig?

      2 Cor. 11:14, 15: “Si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan. Kaya hindi malaking bagay na ang kaniyang mga ministro naman ay magpapakunwaring mga ministro ng katuwiran.” (Pinaalalahanan tayo dito na hindi lahat na nagmumula kay Satanas ay mukhang nakakatakot. Ang isa sa pangunahin niyang paraan upang linlangin ang sangkatauhan ay ang iba’t

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share