Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Trinidad
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • marahil ang nasa isip ko ay hindi tulad sa iniisip ninyo kapag sinasabing “may pagka-diyos” si Kristo.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Bakit gayon ang aking sinasabi? Buweno, sa Isaias 9:6 si Jesu-Kristo ay tinatawag na “Makapangyarihang Diyos,” nguni’t ang kaniyang Ama lamang ang tinutukoy sa Bibliya bilang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.’ (2) ‘At pansinin na sa Juan 17:3 tinawag ni Jesus ang kaniyang Ama na “iisang Diyos na tunay.” Kaya ang masasabi lamang natin ay na si Jesus ay isa lamang paglalarawan ng tunay na Diyos.’ (3) ‘Ano ang hinihiling sa atin upang makalugod sa Diyos? (Juan 4:23, 24)’

  • Wika, Pagsasalita ng mga
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Wika, Pagsasalita ng mga

      Kahulugan: Isang pantanging kaloob ng banal na espiritu sa ilang mga alagad ng unang kongregasyong Kristiyano na nagpangyari sa kanilang mangaral o kaya’y lumuwalhati sa Diyos sa isang wikang hindi nila sarili.

      Sinasabi ba ng Bibliya na lahat ng mga magtataglay ng espiritu ng Diyos ay “magsasalita ng mga wika”?

      1 Cor. 12:13, 30: “Sa isang espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan . . . Hindi lahat ay may mga kaloob ng pagpapagaling, hindi ba? Hindi lahat ay nakapagsasalita ng mga wika, hindi ba?” (Gayundin ang 1 Corinto 14:26)

      1 Cor. 14:5: “Ibig ko sanang kayong lahat ay magsalita ng mga wika, datapuwa’t lalo na ang kayo’y manghula. Ang totoo, lalong dakila ang nanghuhula kay sa nagsasalita ng mga wika, maliban na kung siya’y magsasalin, upang mapatibay ang kongregasyon.”

      Ang pagsasalita ba na parang hibang sa isang wikang hindi dating pinag-aralan ay nagpapatunay na taglay ng isang tao ang banal na espiritu?

      Ang kakayahan ba na “magsalita ng mga wika” ay maaaring hindi sa Diyos nagmumula?

      1 Juan 4:1: “Mga minamahal, huwag kayong maniwala sa bawa’t kinasihang kapahayagan [“bawa’t espiritu,” KJ, RS], kundi subukin ninyo ang mga kinasihang kapahayagan upang makita kung sila’y mula sa Diyos.” (Tingnan din ang Mateo 7:21-23; 2 Corinto 11:14, 15.)

      Kabilang sa mga ‘nagsasalita ng mga wika’ ngayon ay ang mga Pentekostal at Baptist, gayundin ang mga Romanong Katoliko, Episcopalian, Metodista, Luterano, at Presbiteryano. Sinabi ni Jesus na ang banal na espiritu ay ‘papatnubay sa kaniyang mga alagad sa buong katotohanan.’ (Juan 16:13) Ang mga miyembro ba ng mga relihiyong ito ay naniniwala na ang ibang “nagsasalita ng mga wika” ay pinapatnubayan sa “buong katotohanan”? Papaano mangyayari ito, yamang hindi sila nagkakasundo? Anong espiritu ang nagpapangyaring sila’y “magsalita ng mga wika”?

      Inaamin ng isang pinagkaisang pahayag ng Fountain Trust at ng Church of England Evangelical Council: “Batid din namin na ang kahawig na kababalaghan ay maaaring mangyari bunga ng impluwensiya ng okulto/demonyo.” (Gospel and Spirit, Abril 1977, inilathala ng Fountain Trust at ng Church of England Evangelical Council, p. 12) Ang aklat na Religious Movements in Contemporary America (pinatnugutan ni Irving I. Zaretsky at Mark P. Leone, na ang sinisipi ay si L. P. Gerlach) ay nag-uulat na sa Haiti ang ‘pagsasalita ng mga wika’ ay isinasagawa kapuwa ng relihiyong Pentekostal at Voodoo.​—(Princeton, N.J.; 1974), p. 693; tingnan din ang 2 Tesalonica 2:9, 10.

      Yaon bang ‘pagsasalita ng mga wika’ na ginagawa ngayon ay pareho sa ginawa ng unang-siglong mga Kristiyano?

      Noong unang siglo, ang kahima-himalang mga kaloob ng espiritu, kalakip na ang kakayahang “magsalita ng mga wika,” ay nagpatotoo na ang pagsang-ayon ng Diyos ay inilipat mula sa Judiong sistema ng pagsamba tungo sa bagong-tatag na Kristiyanong kongregasyon. (Heb. 2:2-4) Yamang naganap na ito noong unang siglo, kailangan pa bang paulit-ulit na patunayan ito sa ating kaarawan?

      Noong unang siglo, ang kakayahang “magsalita ng mga wika” ay nagpasigla sa pandaigdig na gawaing pagpapatotoo na ipinag-utos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod. (Gawa 1:8; 2:1-11; Mat. 28:19) Ganiyan ba ginagamit ang kakayahang iyan ng mga “nagsasalita ng mga wika” sa ngayon?

      Noong unang siglo, nang ‘nagsasalita ng mga wika’ ang mga Kristiyano, ang sinabi nila ay naunawaan ng mga taong nakakaalam ng mga wikang iyan. (Gawa 2:4, 8) Sa ngayon, hindi ba totoo na ang ‘pagsasalita ng mga wika’ ay karaniwan nang may kasamang pagbulalas ng di-maunawaang mga salita udyok ng bugso ng damdamin?

      Ipinakikita ng Bibliya na, noong unang siglo, hindi pinahintulutang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share