-
ReinkarnasyonNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
sabihin ng tao na yaon lamang mabubuting tao ang isinisilang muli bilang tao, maaari ninyong itanong: ‘Kung totoo iyon, bakit patuloy na lumalala ang mga kalagayan sa daigdig? . . . Ipinakikita ng Bibliya kung papaano magkakaroon ng tunay na pagsulong sa ating kaarawan. (Dan. 2:44)’
-
-
RelihiyonNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Relihiyon
Kahulugan: Isang anyo ng pagsamba. Saklaw nito ang isang sistema ng relihiyosong mga saloobin, paniniwala, at gawain; ang mga ito’y maaaring personal, o kaya’y itinataguyod ng isang organisasyon. Kadalasan ang relihiyon ay nagsasangkot ng paniniwala sa Diyos o sa maraming diyos; o dinidiyos nito ang mga tao, mga bagay, mga mithiin, o mga puwersa. Nasasalig ang maraming relihiyon sa pag-aaral ng tao sa kalikasan; naroon din ang inihayag na relihiyon. Mayroong tunay na relihiyon at mayroon ding huwad na relihiyon.
Bakit ganiyang karami ang mga relihiyon?
Ipinakikita ng isang pagsusuri kamakailan lamang na may 10 pangunahing relihiyon at mga 10,000 sekta. Sa mga ito, may 6,000 sa Aprika, 1,200 sa Estados Unidos, at daan-daan pa sa ibang mga lupain.
Maraming mga bagay ang naging dahilan sa pagdami ng bagong mga grupong relihiyoso. Sinasabi ng iba na ang iba’t ibang mga relihiyon ay iba’t ibang paraan lamang ng paghaharap ng relihiyosong katotohanan. Nguni’t kung ang kanilang mga turo at gawain ay ihahambing sa Bibliya, makikita na ang pagkakaiba-iba ng relihiyon ay dahilan sa pagsunod nila sa tao sa halip na makinig sa Diyos. Kapansinpansin na ang karamihan sa mga turo na pinagkakasunduan nila, na di naman kaayon ng Bibliya, ay nagmula sa sinaunang Babilonya. (Tingnan ang mga pahina 52, 53, sa paksang “Babilonyang Dakila.”)
Sino ang tagapagsulsol ng relihiyosong kaguluhang ito? Ipinakikilala ng Bibliya si Satanas na Diyablo bilang “diyos ng pamamalakad na ito ng mga bagay.” (2 Cor. 4:4) Binababalaan tayo nito na “ang mga bagay na inihahain ng mga bansa ay kanilang inihahain sa mga demonyo, at hindi sa Diyos.” (1 Cor. 10:20) Napakahalaga, kung gayon, na ating tiyakin na ang pagsamba natin ay talagang iniuukol sa tunay na Diyos, ang Maylalang ng langit at lupa, at na ito’y nakalulugod sa kaniya!
-