-
RelihiyonNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
ninyong gawin iyon, may makikita kayong nakakatawag-pansin sa Mateo 28:19, 20. . . . Mahalaga ito sapagka’t ipinakikita na ginagamit ni Kristo ang ibang tao upang tayo’y matulungang makaunawa kung ano ang kahulugan ng pagiging tunay na Kristiyano. Kasuwato nito, ang mga Saksi ni Jehova ay handang dumalaw sa mga tao sa kanilang tahanan para sa isang oras bawa’t linggo, nang walang bayad, upang pag-usapan ang Bibliya. Maaari po bang ipakita ko sa inyo kung papaano namin ginagawa ito?’
Tingnan din ang pahina 365.
‘Sa palagay ko ang relihiyon ay pribadong bagay’
Maaari kayong sumagot: ‘Iyan po ang karaniwang pangmalas sa ngayon, at kung ang mga tao ay talagang hindi interesado sa mensahe ng Bibliya, nalulugod kaming tumungo sa ibang tahanan. Nguni’t alam ba ninyo na ang dahilan ng pagdalaw ko sa inyo ay sapagka’t ito ang ipinag-utos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod? . . . (Mat. 24:14; 28:19, 20; 10:40)’
-
-
SabbathNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Sabbath
Kahulugan: Ang salitang Sabbath ay kuha sa Hebreong sha·vathʹ, na nangangahulugang “magpahinga, huminto, tumigil.” Ang kaayusan ng sabbath sa Batas Mosaiko ay naglalakip ng isang lingguhang araw ng Sabbath, ilang takdang mga araw na idinagdag bawa’t taon, ang ikapitong taon, at ang ikalimampung taon. Ang lingguhang Sabbath ng mga Judio, ang ikapitong araw ng linggo sa kanilang kalendaryo, ay nagmula sa paglubog ng araw ng Biyernes hanggang sa paglubog ng araw ng Sabado. Naging kaugalian ng maraming nag-aangking Kristiyano na ipangilin ang Linggo bilang kanilang araw ng kapahingahan at pagsamba; sinusunod ng iba ang araw na nakatakda sa kalendaryong Judio.
Obligado ba ang mga Kristiyano na ipangilin ang lingguhang araw ng sabbath?
Exo. 31:16, 17: “Ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, upang tuparin ang sabbath sa lahat ng inyong saling-lahi. Ito’y tipan hanggang sa panahong walang takda [“walang hanggang tipan,” RS]. Ito’y tanda sa akin at sa mga anak ni Israel hanggang sa panahong walang takda.” (Pansinin na ang pangingilin ng sabbath ay isang tanda sa pagitan ni Jehova at ng Israel; hindi magiging totoo ito kung obligado ang lahat ng iba pa na ipangilin ang Sabbath. Ang salitang Hebreo na isinaling “walang hanggan” sa RS ay ‛oh·lamʹ, na nangangahulugang isang matagal na yugto ng panahon na ang haba ay walang katiyakan o lingid sa paningin ng mga nagmamasid sa kasalukuyan. Maaari itong mangahulugan na magpakailanman, nguni’t hindi laging gayon. Sa Bilang 25:13 ang salitang Hebreong ito ay ikinapit sa pagkasaserdote, na nang maglaon ay nagwakas, ayon sa Hebreo 7:12.)
Roma 10:4: “Si Kristo ang kinauuwian ng Kautusan, sa ikatutuwid ng bawa’t sumasampalataya.” (Ang pangingilin ng sabbath ay bahagi ng Kautusang iyan. Ginamit ng Diyos si Kristo upang wakasan ang Kautusang iyan. Ang ating matuwid na katayuan sa harap ng Diyos ay nakasalalay sa pananampalataya kay Kristo, hindi sa pangingilin ng lingguhang sabbath.) (Gayundin ang Galacia 4:9-11; Efeso 2:13-16)
Col. 2:13-16: “Pinatawad [ng Diyos] sa atin ang lahat ng ating mga kasalanan at pinawi ang nasusulat na alituntuning laban sa atin, na binubuo ng mga kautusan laban sa atin . . . Dahil dito’y huwag humatol ang sinoman sa inyo tungkol sa pagkain at pag-inom o tungkol sa isang kapistahan o pagdiriwang ng bagong buwan o ng araw ng sabbath.” (Kung nasa ilalim ng Batas Mosaiko ang isang tao at siya’y hinatulan ng paglapastangan sa Sabbath, siya’y kailangang batuhin ng buong kongregasyon hanggang mamatay, ayon sa Exodo 31:14 at Bilang 15:32-35. Marami sa mga naggigiit ng pangingilin ng sabbath ay dapat magpasalamat na wala na tayo sa ilalim ng Batas na iyon. Gaya ng ipinakikita sa tekstong sinipi dito, hindi na kailangang tuparin ang kahilingan ng sabbath na ibinigay sa Israel upang magkaroon ng sinang-ayunang katayuan sa Diyos.)
Papaano nangyari na ang Linggo ay naging pangunahing araw ng pagsamba para sa karamihan sa Sangkakristiyanuhan?
Bagama’t si Kristo ay binuhay-muli sa unang araw ng sanlinggo (na sa ngayo’y tinatawag na Linggo), ang Bibliya ay walang binanggit na utos na ang araw na iyon ay dapat na gawing banal.
“Ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit pinanatili ang dating Paganong tawag na ‘Dies Solis,’ o ‘Sunday,’ para sa lingguhang pagdiriwang ng Kristiyano ay ang pagkakaisa ng damdamin ng mga Pagano at ng [di-umano’y] Kristiyano, na bunga nito ang unang araw ng sanlinggo ay inirekumenda ni Constantino [sa isang utos noong 321 C.E.] sa kaniyang mga sakop, Pagano man o Kristiyano, bilang ang ‘banal na kaarawan ng Araw.’ . . . Paraan niya ito upang pagkaisahin ang magkakasalungat na mga relihiyon ng Imperyo sa ilalim ng iisang kaayusan.”—Lectures
-