Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Bulaang Propeta
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Hindi ba nagkamali ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang mga turo?

      Hindi inaangkin ng mga Saksi ni Jehova na sila’y kinasihang mga propeta. Nagkakamali din sila. Gaya ng mga apostol ni Jesu-Kristo, may mga pagkakataon na nagkakamali sila ng inaasahan.​—Luc. 19:11; Gawa 1:6.

      Ang mga Kasulatan ay naglalaan ng mga salik hinggil sa panahon kaugnay ng pagkanaririto ni Kristo, at ang mga Saksi ni Jehova ay nag-aaral nito nang may taimtim na interes. (Luc. 21:24; Dan. 4:10-17) Inilarawan din ni Jesus ang isang tanda na binubuo ng maraming bahagi na nagpapatibay sa katuparan ng mga hula hinggil sa panahon upang matiyak kung aling lahi ang mabubuhay upang makita ang katapusan ng balakyot na sistema ni Satanas. (Luc. 21:7-36) Itinuturo ng mga Saksi ni Jehova ang katibayan ng katuparan ng tandang ito. Totoo na ang mga Saksi ay nagkamali sa kanilang pagkaunawa hinggil sa kung ano ang magaganap sa katapusan ng ilang partikular na yugto ng panahon, subali’t hindi sila nagkamali na mawalan ng pananampalataya o ng paghinto sa pagiging mapagbantay sa katuparan ng mga layunin ni Jehova. Patuloy nilang itinatampok sa kanilang isipan ang payo na ibinigay ni Jesus: “Mangagpuyat nga kayo, sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung anong araw darating ang inyong Panginoon.”​—Mat. 24:42.

      Ang mga bagay na nangailangan ng pagtutuwid ng pangmalas ay kakaunti kung ihahambing sa mahahalagang katotohanan sa Bibliya na kanilang naunawaan at inihahayag. Kabilang dito ang mga sumusunod: Si Jehova ang tanging tunay na Diyos. Si Jesu-Kristo ay hindi bahagi ng isang Trinitaryong pagka-diyos kundi siya ang bugtong na Anak ng Diyos. Ang katubusan mula sa kasalanan ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pananampalataya sa haing pantubos ni Jesus. Ang banal na espiritu ay hindi isang persona kundi ang kumikilos na puwersa ni Jehova, at ang bunga nito ay dapat mahayag sa buhay ng mga tunay na mananamba. Ang kaluluwa ng tao ay hindi walang-kamatayan, gaya ng inaangkin ng sinaunang mga pagano; namamatay ito, at ang pag-asa ukol sa hinaharap na buhay ay nasa pagkabuhay-muli. Ang pagpapahintulot ng Diyos sa kabalakyutan ay dahil sa suliranin ng pansansinukob na pamamahala. Ang Kaharian ng Diyos ang siyang tanging pag-asa ukol sa sangkatauhan. Mula noong 1914 tayo ay nabubuhay na sa mga huling araw ng pandaigdig na sistema ng mga bagay. May 144,000 lamang sa tapat na mga Kristiyano ang magiging hari at saserdote kasama ni Kristo sa langit, samantalang ang karamihan ng masunuring sangkatauhan ay magtatamo ng walang-hanggang buhay sa isang paraisong lupa.

      Ang isa pang dapat isaalang-alang tungkol sa mga turo ng mga Saksi ni Jehova ay ito: Tunay bang pinabuti ng mga ito ang asal ng mga tao? Ang mga nanghahawakan ba sa mga turong ito ay nagiging bukod-tangi sa kanilang mga komunidad dahil sa kanilang katapatan? Napabubuti ba ang kanilang buhay-pamilya dahil sa pagkakapit ng mga turong ito? Sinabi ni Jesus na madaling makilala ang kaniyang mga alagad dahil sa taglay nilang pag-ibig sa isa’t-isa. (Juan 13:35) Namumukod-tangi ba ang katangiang ito sa gitna ng mga Saksi ni Jehova? Hayaan natin ang aktuwal na mga pangyayari ang siyang sumagot.

      Kung May Magsasabi​—

      ‘Sinabi ng aming ministro na ang mga Saksi ni Jehova raw ay mga bulaang propeta’

      Maaari kayong sumagot: ‘Matanong ko kayo, May naipakita ba siyang anoman mula sa Bibliya na nagpapaliwanag sa aming pinaniniwalaan at ginagawa at na nagsasabi na ang ganitong mga tao ay mga bulaang propeta? . . . Maaari ko bang ipakita sa inyo kung papaano inilalarawan ng Bibliya ang mga bulaang propeta? (Pagkatapos ay maaari ninyong gamitin ang isa o higit pang punto na binabalangkas sa mga pahina 75-79.)’

      O kaya’y: ‘Natitiyak kong sasang-ayon kayo na ang ispesipikong ebidensiya ay dapat umalalay sa ganitong napakalubhang paratang. May binanggit ba ang inyong ministro na espesipikong halimbawa? (Kung tukuyin ng maybahay ang ilang inaangking “prediksiyon” na hindi natupad, gamitin ang materyales sa pahina 77, at mula sa ibaba ng pahina 78 hanggang sa itaas ng 80.)’

      Isa pang posibilidad: ‘Natitiyak ko na kung may magpaparatang sa inyo ng ganiyan, pasasalamatan ninyo ang pagkakataon na kahit papaano’y maipaliwanag ang inyong katayuan o punto-de-vista, hindi po ba? . . . Kaya maaari ko bang ipakita sa inyo mula sa Bibliya . . . ?’

  • Kaarawan ng Kapanganakan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Kaarawan ng Kapanganakan

      Kahulugan: Ang araw ng kapanganakan ng isa o ang anibersaryo ng araw na yaon. Sa ibang lugar ang anibersaryo ng kapanganakan ng isa, lalo na ng isang bata, ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng isang salu-salo at ng pagbibigay ng regalo. Hindi isang maka-Kasulatang kaugalian.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share