Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Neutralidad
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • pagsamba sa bayang tinubuan.’ ”​—Diario da Justiça (Kabiserang Pederal, Brazil), Pebrero 16, 1956, p. 1906.

      May kinalaman sa mga seremonyang makabayan, ano ang sinasabi ng sekular na kasaysayan tungkol sa saloobin ng unang mga Kristiyano?

      “Ang mga Kristiyano ay tumangging . . . maghandog sa kagalingan ng emperador​—na siyang katumbas ngayon ng pagtangging sumaludo sa bandila o bumigkas ng panunumpa ng katapatan. . . . Iilan lamang sa mga Kristiyano ang tumalikod, bagama’t ang isang dambanang may nagniningas na apoy ay laging naroon sa arena upang gamitin nila. Ang kailangan lamang gawin ng isang bilanggo ay ang magsabog ng kaunting insenso sa apoy at siya’y bibigyan ng isang Katunayan ng Paghahandog at pagkatapos ay palalayain. Maingat ding ipinaliliwanag sa kaniya na hindi siya sumasamba sa emperador; kundi siya’y kumikilala lamang sa banal na katangian ng emperador bilang ulo ng estadong Romano. Gayunman, halos walang Kristiyano ang nagsamantala sa pagkakataong ito upang mapalaya.”​—Those About to Die (Nueba York, 1958), D. P. Mannix, p. 135, 137.

      “Ang pagsamba sa emperador ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsabog ng ilang pirasong insenso o ilang patak ng alak sa dambanang nasa harap ng imahen ng emperador. Marahil sa panahong ito ay sasabihin nating walang pagkakaiba ito sa . . . pagsaludo sa bandila o sa isang kagalanggalang na pinuno ng estado, bilang paggalang, pagpipitagan, at pagka-makabayan. Marahil gayon ang nadadama ng marami noong unang siglo nguni’t hindi ang mga Kristiyano. Ang pangmalas nila ay na lahat nito’y pagsambang relihiyoso, na kinikilala ang emperador bilang isang diyos at samakatuwid ay nagtataksil sa Diyos at kay Kristo, at ito’y tinanggihan nilang gawin.”​—The Beginnings of the Christian Religion (New Haven, Conn.; 1958), M. F. Eller, p. 208, 209.

      Ang neutralidad ba ng mga Kristiyano ay nangangahulugan na hindi sila interesado sa kapakanan ng kanilang kapuwa?

      Tiyak na hindi. Batid nila at buong-puso nilang ikinakapit ang utos na inulit ni Jesus: “Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.” (Mat. 22:39) Gayon din ang payong iniulat ni apostol Pablo: “Magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, nguni’t lalong lalo na sa mga kasambahay sa pananampalataya.” (Gal. 6:10) Kumbinsido sila na ang pinakamabuting maitutulong nila sa kanilang kapuwa ay ang ibahagi sa kanila ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos, na siyang lulutas sa mga suliraning nakaharap sa sangkatauhan at magbubukas sa mga tatanggap nito ng kamanghamanghang pag-asa ng buhay na walang hanggan.

  • New World Translation
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • New World Translation

      Kahulugan: Isang salin ng Banal na Kasulatan mula sa Hebreo, Aramaiko, at Griyego tungo sa makabagong Ingles na ginawa ng isang komite ng pinahirang mga saksi ni Jehova. Ganito ang sinabi ng mga ito hinggil sa kanilang gawain: “Ang mga tagapagsalin nito, na may pagkatakot at pag-ibig sa Banal na May-akda ng Banal na Kasulatan, ay nakadadama ng pantanging pananagutan sa Kaniya na ipabatid ang kaniyang mga kaisipan at kapahayagan sa pinaka-wastong paraang magagawa. Sila rin ay nakadadama ng pananagutan sa mga mapanuring mambabasa na nananalig sa isang salin ng kinasihang Salita ng Kataastaasang Diyos ukol sa kanilang walang-hanggang kaligtasan.” Ang saling ito ay unang inilabas nang baha-bahagi mula noong 1950 hanggang 1960. Ang mga edisyon sa ibang wika ay ibinatay sa saling Ingles.

      Salig sa ano ang “New World Translation”?

      Bilang saligan sa pagsasalin ng Hebreong Kasulatan, ang teksto ng Biblia Hebraica ni Rudolf Kittel, mga edisyon ng 1951-1955, ang ginamit. Ang 1984 na rebisyon ng New World Translation ay nakinabang sa ilang mga pagbabago na kasuwato ng Biblia Hebraica Stuttgartensia ng 1977. Karagdagan pa, ang Dead Sea Scrolls at maraming naunang mga salin sa ibang wika ay kinunsulta. Para sa Kristiyanong Griyegong Kasulatan, ang saligang tekstong Griyego ng 1881 na inihanda nina Westcott at Hort ang pangunahing ginamit, nguni’t kinunsulta rin ang ibang mga saligang teksto bukod pa sa maraming naunang mga bersiyon sa ibang mga wika.

      Sino ang mga tagapagsalin?

      Nang ipinagkaloob ang karapatan sa paglilimbag ng kanilang salin bilang regalo, hiniling ng New World Bible Translation Committee na huwag ipakilala kung sino ang mga miyembro nito. Iginalang ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania ang kanilang kahilingan. Hindi hinahanap ng mga tagapagsalin ang sariling katanyagan kundi ang maparangalan lamang ang Banal na May-akda ng Banal na Kasulatan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share