Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Relihiyon
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • ‘Lahat ng relihiyon ay mabuti; mayroon kayo, at mayroon din ako.’

      Maaari kayong sumagot: ‘Napapansin ko na kayo’y isang taong maunawain. Nguni’t natatalos din ninyo na kailangan nating lahat ang patnubay ng Salita ng Diyos, at iyan ang dahilan kung bakit may relihiyon kayo, hindi po ba?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Dito sa Mateo 7:13, 14 binibigyan tayo ng Bibliya ng napakahalagang patnubay sa mga salita ni Jesus. (Basahin.) . . . Bakit kaya gayon ang sinabi?’

      Tingnan din ang mga pahina 359, 360.

      ‘Basta naniniwala ka kay Jesus, hindi na mahalaga kung ano ang kinaaaniban mong relihiyon’

      Maaari kayong sumagot: ‘Walang alinlangan na napakahalaga ang paniniwala kay Jesus. At marahil ang ibig ninyong sabihin ay ang tanggapin ang lahat ng kaniyang itinuro. Seguro napansin ninyo, tulad ko, na marami na nagsasabing sila’y Kristiyano ay hindi talagang namumuhay ayon sa kahulugan ng pangalang iyan.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Pansinin ang sinabi ni Jesus dito sa Mateo 7:21-23.’ (2) ‘May isang magandang kinabukasan na naghihintay doon sa mga may pagnanais na alamin at gawin ang kalooban ng Diyos. (Awit 37:10, 11; Apoc. 21:4)’

      ‘Bakit ninyo sinasabi na iisa lamang ang tunay na relihiyon?’

      Maaari kayong sumagot: ‘Walang alinlangan na may taimtim na mga tao sa halos lahat ng relihiyon. Nguni’t ang talagang mahalaga ay kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Ilan ang tinutukoy nitong tunay na pananampalataya? Pansinin ang nasusulat dito sa Efeso 4:4, 5.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Ito’y kaayon ng sinasabi ng ibang teksto. (Mat. 7:13, 14, 21; Juan 10:16; 17:20, 21)’ (2) ‘Kaya, ang hamon sa atin ay ang alamin kung alin ang relihiyong iyan. Papaano natin ito magagawa? (Maaaring gamitin ang materyal sa mga pahina 365-367.)’ (3) (Tingnan din ang nasa mga pahina 377, 378, sa paksang “Mga Saksi ni Jehova.”)

      ‘Basta binabasa ko ang Bibliya sa bahay at tumatawag sa Diyos upang ito’y maunawaan’

      Maaari kayong sumagot: ‘Nabasa na ba ninyo ang buong Bibliya?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Habang sinisikap ninyong gawin iyon, may makikita kayong nakakatawag-pansin sa Mateo 28:19, 20. . . . Mahalaga ito sapagka’t ipinakikita na ginagamit ni Kristo ang ibang tao upang tayo’y matulungang makaunawa kung ano ang kahulugan ng pagiging tunay na Kristiyano. Kasuwato nito, ang mga Saksi ni Jehova ay handang dumalaw sa mga tao sa kanilang tahanan para sa isang oras bawa’t linggo, nang walang bayad, upang pag-usapan ang Bibliya. Maaari po bang ipakita ko sa inyo kung papaano namin ginagawa ito?’

      Tingnan din ang pahina 365.

      ‘Sa palagay ko ang relihiyon ay pribadong bagay’

      Maaari kayong sumagot: ‘Iyan po ang karaniwang pangmalas sa ngayon, at kung ang mga tao ay talagang hindi interesado sa mensahe ng Bibliya, nalulugod kaming tumungo sa ibang tahanan. Nguni’t alam ba ninyo na ang dahilan ng pagdalaw ko sa inyo ay sapagka’t ito ang ipinag-utos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod? . . . (Mat. 24:14; 28:19, 20; 10:40)’

  • Sabbath
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Sabbath

      Kahulugan: Ang salitang Sabbath ay kuha sa Hebreong sha·vathʹ, na nangangahulugang “magpahinga, huminto, tumigil.” Ang kaayusan ng sabbath sa Batas Mosaiko ay naglalakip ng isang lingguhang araw ng Sabbath, ilang takdang mga araw na idinagdag bawa’t taon, ang ikapitong taon, at ang ikalimampung taon. Ang lingguhang Sabbath ng mga Judio, ang ikapitong araw ng linggo sa kanilang kalendaryo, ay nagmula sa paglubog ng araw ng Biyernes hanggang sa paglubog ng araw ng Sabado. Naging kaugalian ng maraming nag-aangking Kristiyano na ipangilin ang Linggo bilang kanilang araw ng kapahingahan at pagsamba; sinusunod ng iba ang araw na nakatakda sa kalendaryong Judio.

      Obligado ba ang mga Kristiyano na ipangilin ang lingguhang araw ng sabbath?

      Exo. 31:16, 17: “Ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, upang tuparin ang sabbath sa lahat ng inyong saling-lahi. Ito’y tipan hanggang sa panahong walang takda [“walang hanggang tipan,” RS]. Ito’y tanda sa akin at sa mga anak ni Israel hanggang sa panahong walang takda.” (Pansinin na ang pangingilin ng sabbath ay isang tanda sa pagitan ni Jehova at ng Israel; hindi magiging totoo ito kung obligado ang lahat ng iba pa na ipangilin ang Sabbath. Ang salitang Hebreo na isinaling

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share