Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bibliya
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Ingles.’ (2) ‘Ipinakikita ng talaang ito (“Table of the Books of the Bible,” sa NW) na ang Genesis, na siyang unang aklat ng Bibliya, ay natapos noong 1513 B.C.E. Alam ba ninyo na, pagkatapos maisulat ang Genesis, 2,900 taon ang lumipas bago naisalin sa Ingles ang buong Bibliya? At mahigit na 200 taon ang lumipas muli bago natapos ang King James Version (1611 C.E.).’ (3) ‘Mula noong ika-17 siglo, marami nang pagbabago ang dinaanan ng Ingles. Nararanasan natin ito sa ating sariling panahon, hindi ba? . . . Kaya nagpapahalaga tayo sa makabagong mga salin na buong-ingat na naghaharap ng orihinal na mga katotohanan sa wikang ginagamit natin sa ngayon.’

      ‘Sarili ninyong salin iyan’

      Tingnan ang paksang “New World Translation.”

  • Buhay
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Buhay

      Kahulugan: Isang aktibong kalagayan na nagbubukod sa mga halaman, hayop, tao, at espiritung nilalang mula sa mga bagay na walang buhay. Ang pisikal na mga bagay na may buhay karaniwan na’y nagtataglay ng kakayahang lumaki, may metabolismo, tumutugon sa pampasigla mula sa iba, at nagpapakarami. Ang halaman ay may aktibong buhay nguni’t hindi bilang isang may-sentidong kaluluwa. Sa makalupang mga kaluluwa, hayop at tao, may aktibong puwersa ng buhay na nagpapakilos sa kanila at mayroon ding hininga upang ito’y panatilihin.

      Ang tunay na kahulugan ng buhay, gaya ng ikinakapit sa matalinong mga persona, ay ang sakdal na pag-iral taglay ang karapatan nito. Ang kaluluwang-tao ay hindi imortal. Subali’t ang tapat na mga lingkod ng Diyos ay may pag-asa ng walang-hanggang buhay sa kasakdalan​—sa lupa para sa marami, sa langit para sa isang “munting kawan” bilang tagapagmana ng Kaharian ng Diyos. Sa kanilang pagkabuhay-muli bilang mga espiritu, ang mga miyembro ng uring pang-Kaharian ay pinagkakalooban din ng imortalidad, isang uri ng buhay na hindi nangangailangan ng anomang bagay na nilikha upang ito’y pamalagiin.

      Ano ang layunin ng buhay ng tao?

      Upang magkaroon ng layunin sa buhay kailangan nating kilalanin ang Bukal ng buhay. Kung ang buhay ay basta nagkataon lamang at walang matalinong lumikha, ang pag-iral natin ay walang layunin, at hindi tayo makagagawa ng plano para sa isang tiyak na kinabukasan. Nguni’t ang Gawa 17:24, 25, 28 ay nagsasabi sa atin: “Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto . . . ay nagbibigay sa lahat ng tao ng buhay at ng hininga at lahat ng bagay. Sapagka’t sa kaniya tayo’y nangabubuhay at nagsisikilos at umiiral.” Ang Apocalipsis 4:11, na pinatutungkol sa Diyos, ay nagdaragdag: “Marapat ka, Jehovang Diyos namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan, sapagka’t nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha.” (Tingnan din ang mga pahina 126-133, sa ilalim ng paksang “Diyos.”)

      Ang buhay na kasalungat ng mga kahilingan ng Maylikha at ng kaniyang patnubay ukol sa kaligayahan ay mauuwi lamang sa pagkabigo. Nagbababala ang Galacia 6:7, 8: “Huwag kayong padaya: ang Diyos ay hindi mapabibiro. Sapagka’t ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya; sapagka’t ang naghahasik ng sa kaniyang laman ay sa laman mag-aani ng kasiraan.”​—Gayon din ang Galacia 5:19-21. (Tingnan din ang paksang “Pagsasarili.”)

      Ang kasalanang minana mula kay Adan ay humahadlang sa mga tao sa lubos na pagtatamasa ng buhay gaya ng nilayon ng Diyos sa pasimula. Sinasabi ng Roma 8:20 na, dahil sa paghatol ng Diyos matapos magkasala si Adan, “ang buong sangnilalang [ang sangkatauhan] ay nasakop ng kabiguan.” Tungkol sa kaniyang sariling kalagayan bilang taong makasalanan, sumulat si apostol Pablo: “Ako’y laman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan. Sapagka’t ang mabuti na aking ibig ay hindi ko ginagawa, nguni’t ang masama na hindi ko ibig ay siya kong ginagawa. Talagang ako’y nagagalak sa kautusan ng Diyos ayon sa pagkataong loob, datapuwa’t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na lumalaban sa kautusan ng aking pag-iisip at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. Abang tao ako!”​—Roma 7:14, 19, 22-24.

      Tayo’y makakasumpong ng pinakamalaking kaligayahan ngayon at magkakaroon ng tunay na kahulugan ang ating buhay kung ating ikakapit ang mga simulain ng Bibliya at uunahin natin ang paggawa ng kalooban ng Diyos. Hindi ang Diyos ang nakikinabang kapag tayo’y naglilingkod sa kaniya; tinuturuan niya tayo na ‘pakinabangan ang ating mga sarili.’ (Isa. 48:17) Ipinapayo ng Bibliya: “Kayo’y magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon.”​—1 Cor. 15:58.

      Inilalagay ng Bibliya sa ating harapan ang pag-asa ng walang-hanggang buhay sa kasakdalan kung ating sasampalatayanan

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share