-
TadhanaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
na aasahan nating dapat iukol sa kanikanilang mga diyus-diyosan.”—Great Cities of the Ancient World (Nueba York, 1972), L. Sprague de Camp, p. 150.
“Sa Babilonya at gayon din sa Asiriya bilang isang tuwirang supling ng Babilonikong kultura . . . ang astrolohiya ay kumukuha ng dako sa opisyal na kulto bilang isa sa dalawang pangunahing kasangkapan ng mga saserdote . . . sa pagtiyak sa kalooban at intensiyon ng mga diyus-diyosan, at ang pangalawa ay sa pamamagitan ng pagsusuri sa atay ng hayop na inihahain . . . Ang mga pagkilos ng araw, buwan at limang planeta ay itinuturing na kumakatawan sa gawain ng limang diyus-diyosang nasasangkot, kasama na ang diyos ng buwan na si Sin at ang diyos ng araw na si Shamash, sa pagsasaayos ng mga pangyayaring magaganap sa lupa.”—Encyclopædia Britannica (1911), Tomo II, p. 796.
Ano ang pangmalas ng Maylikha ng tao sa ganitong kaugalian?
Deut. 18:10-12: “Huwag makakasumpong sa inyo ng sinomang . . . nanghuhula, o salamangkero o nagmamasid ng mga pamahiin . . . Sapagka’t sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal kay Jehova.”
Sa mga taga-Babilonya ay sinabi niya: “Magsitayo ngayon ang iyong mga astrologo at mga manghuhula sa pamamagitan ng mga langit, at ng mga bituin, na humuhula sa inyong kapalaran sa bawa’t buwan, at hayaang iligtas nila kayo! Narito, sila’y mawawalang gaya ng dayami . . . Sukat na ang iyong mga salamangkero na buong-buhay na nangalakal sa inyo: bawa’t isa’y lumalaboy sa kaniyang sariling lakad, at walang isa man na makapagliligtas sa iyo.”—Isa. 47:13-15, NE.
-
-
TrinidadNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Trinidad
Kahulugan: Ang pangunahing turo ng mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan. Ayon sa Athanasian Creed, may tatlong banal na Persona (ang Ama, ang Anak, ang Banal na Espiritu), na bawa’t isa ay walang hanggan, bawa’t isa’y makapangyarihan-sa-lahat, walang isa sa kanilang mataas o mababa, bawa’t isa’y tinatawag na Diyos, nguni’t kung pagsasamasamahin sila’y bumubuo ng iisang Diyos. Ang iba pang mga paliwanag sa turong ito ay nagdidiin na ang tatlong “Personang” ito ay hindi magkakahiwalay at magkakabukod na indibiduwal kundi tatlong anyo na doo’y umiiral ang sustansiya ng pagkadiyos. Kaya ang ilang Trinitaryo ay nagbibigay-diin sa paniwala nila
-