-
Paglalathala sa Ang BantayanMga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
-
-
edisyon ng magasin ang inilimbag sa Aleman. Ngunit noong 1897 saka lamang muling lumabas ang Watch Tower sa Aleman at inilathala nang tuluy-tuloy. Pagsapit ng 1916 ito’y inililimbag na sa pitong wika—Dano-Norwego, Ingles, Pinlandes, Pranses, Aleman, Polako, at Sweko. Nang lalong paunlarin ang pangangaral ng mabuting balita noong 1922, ang bilang ng mga wika na doon inilalathala ang magasin ay dumami hanggang naging 16. Gayunman, noong 1993, ito’y regular na inilalathala sa 112 wika—yaong ginagamit ng kalakhang bahagi ng populasyon ng lupa. Kabilang dito hindi lamang ang mga wikang tulad ng Ingles, Kastila, at Hapones, na doon ay milyun-milyong sipi ang inililimbag bawat isyu, kundi ang Palauan, Tuvaluan, at iba pa rin na doon ay iilang daan lamang ang ipinamamahagi.
Sa loob ng maraming taon Ang Bantayan ay itinuring na isang magasin na pangunahing pinatutungkol sa “munting kawan” ng nakatalagang mga Kristiyano. Ang sirkulasyon nito ay naging limitado lamang; noong 1916 45,000 sipi lamang ang inililimbag. Subalit pasimula noong 1935, binigyan ng paulit-ulit na pansin ang pagpapasigla sa “mga Jonadab,” o “malaking pulutong,” na palagiang kumuha at bumasa ng Ang Bantayan. Noong 1939, nang simulang patingkarin ng pabalat ng magasin ang Kaharian, ang mga suskrisiyon para sa Ang Bantayan ay inialok sa madla sa loob ng isang apat-na-buwang kampanya sa pagkuha ng suskrisiyon sa buong daigdig. Bilang resulta, ang talaan ng mga suskritor ay dumami hanggang sa naging 120,000. Nang sumunod na taon Ang Bantayan ay regular na iniaalok sa mga tao sa mga lansangan. Mabilis na dumami ang sirkulasyon. Noong kaagahan ng 1993 ang inililimbag bawat isyu sa lahat ng wika ay 16,400,000.
-
-
Gumising!—Isang Magasin na Malawakang Umaakit sa MadlaMga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
-
-
Digmaang Pandaigdig II. Gayunman, ang kaaliwang iniaalok ng magasin ay ang uri na makaaakit lamang sa mga may tunay na pag-ibig sa katotohanan.
Simula noong isyu ng Agosto 22, 1946, ang pamagat na Gumising! (Awake! sa Ingles) ay ginamit. Higit na idiniin ang paggising sa mga tao sa kahulugan ng mga pangyayari sa daigdig. Ginamit ng magasin ang regular na mga pinagkukunan ng balita, subalit taglay nito ang sariling mga kabalitaan sa palibot ng globo. Ang timbang, praktikal at mahusay-ang-pagkakasaliksik na mga artikulo sa Gumising! na tumatalakay sa sari-saring mga paksa ay umaakay sa mga mambabasa na isaalang-alang ang pinakamahalagang mensahe ng magasing ito, alalaong baga’y, na ang mga pangyayari sa daigdig ay katuparan ng hula ng Bibliya, na nagpapakitang nasa mga huling araw na tayo at na sa malapit na hinaharap dadalhin ng Kaharian ng Diyos ang walang-hanggang mga kapikinabangan sa mga natututo at gumagawa ng kalooban ng Diyos. Ang magasing ito ay naging mabisang kasangkapan sa pangglobong paghahayag ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos at isang tulay patungo sa higit na malalim na materyales sa pag-aaral na inilalahad sa Ang Bantayan at sa mga aklat.
Noong kaagahan ng 1993, ang Gumising! ay inililimbag sa 67 wika, 13,240,000 sipi sa bawat isyu.
-