-
Ianunsiyo ang Hari at ang Kaharian! (1919-1941)Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
-
-
Ang Huling mga Araw ni J. F. Rutherford
Si Brother Rutherford ay may kanser sa colon at masama na ang katawan noong kombensiyon sa St. Louis. Ngunit, naisagawa pa rin niyang makapagbigay ng limang matitinding pahayag. Gayunman, pagkatapos ng kombensiyon, lumubha ang kaniyang kalagayan, at siya’y napilitang magpa-colostomy. Nagunita ni Arthur Worsley ang araw nang magpaalam si Brother Rutherford sa pamilyang Bethel. “Ipinagtapat niya sa amin na siya’y magpapasailalim sa isang mapanganib na operasyon at anuman ang mangyari sa kaniya, siya’y may tiwala na ipagpapatuloy namin ang paghahayag ng pangalan ni Jehova. Siya . . . ay nagtapos sa pagsasabing, ‘Kaya, kung loloobin ng Diyos, makikita ko kayong muli. Kung hindi man, ipagpatuloy ninyo ang pakikipaglaban.’ Ang bawat isa sa pamilya ay lumuha.”
Si Brother Rutherford, 72 taóng gulang ay nakaligtas sa operasyon. Di-nagtagal pagkatapos siya’y dinala sa isang tahanan sa California na tinawag niyang Beth-Sarim. Naging maliwanag sa kaniyang mga mahal sa buhay, at sa mga dalubhasa sa medisina, na siya’y hindi na gagaling. Sa katunayan, kinailangan pa niyang magpaopera muli.
Mga kalagitnaan ng Disyembre, sina Nathan H. Knorr, Frederick W. Franz, at Hayden C. Covington ay dumating mula sa Brooklyn. Si Hazel Burford, ang nag-alaga kay Brother Rutherford sa nakalulungkot at mahirap tiising mga araw na iyon, nang maglaon ay nakagunita: “Sila’y gumugol ng maraming araw kasama niya na sinusuri ang taunang ulat para sa Yearbook at iba pang mga bagay na pang-organisasyon. Pagkaalis nila, si Brother Rutherford ay patuloy na humina at, mga tatlong linggo pagkaraan, noong Huwebes, Enero 8, 1942, tinapos niya ang kaniyang makalupang takbuhin nang may katapatan.”i
Papaano tinanggap sa Bethel ang balita ng kamatayan ni Brother Rutherford? “Hindi ko kailanman malilimot ang araw nang mabalitaan namin ang pagkamatay ni Brother Rutherford,” nagunita ni William A. Elrod, miyembro ng pamilyang Bethel sa loob ng siyam na taon. “Tanghali noon nang matipon ang pamilya para sa pananghalian. Maigsi lamang ang patalastas. Walang mga pahayag. Walang nagbakasyon para magluksa. Sa halip, kami’y bumalik sa pagawaan at buong-sigasig na gumawa higit kailanman.”
Iyon ay matinding panahon ng pagsubok para sa mga Saksi ni Jehova. Ang digmaan ay naging pandaigdig na pag-aalitan. Ang labanan ay lumaganap mula Europa hanggang Aprika, pagkatapos ay sa dating Unyon Sobyet. Noong Disyembre 7, 1941, isang buwan lamang bago mamatay si Brother Rutherford, ang paglusob ng Hapón sa Pearl Harbor ay nagbunsod sa Estados Unidos na makidigma. Sa maraming lugar ang mga Saksi ang tampulan ng malupit na pang-uumog at iba pang anyo ng matinding pag-uusig.
Ano ang mangyayari ngayon?
-
-
Walang Lubay na Paghahayag ng Mabuting Balita (1942-1975)Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
-
-
Kabanata 8
Walang Lubay na Paghahayag ng Mabuting Balita (1942-1975)
“SA LAHAT NG MGA UMIIBIG SA TEOKRASYA:
Noong Enero 8, 1942, ang ating mahal na kapatid, si J. F. Rutherford, ay tapat na nakatapos ng kaniyang makalupang takbuhin . . . Isang kagalakan at kaaliwan para sa kaniya na makita at maalaman na ang lahat ng mga saksi ng Panginoon ay sumusunod, hindi sa kaninumang tao, kundi sa haring si Kristo Jesus bilang kanilang Lider, at na sila’y magpapatuloy sa gawain na may lubusang pagkakaisa sa pagkilos.” —Isang liham na nagpapatalastas ng kamatayan ni Brother Rutherford.a
ANG balita ng kamatayan ni Brother Rutherford ay nagdulot ng sandaling pagkabigla sa mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig. Marami ang nakaaalam na siya’y may sakit, subalit hindi nila inaasahan ang kaniyang maagang pagkamatay. Sila’y nalungkot sa pagkawala ng kanilang mahal na kapatid ngunit determinadong ‘magpatuloy sa gawain’—ang gawain na ihayag ang Kaharian ng Diyos. Hindi nila ipinagpalagay na si J. F. Rutherford ang kanilang lider. Si Charles E. Wagner, na nagtrabaho sa opisina ni Brother Rutherford ay nakapansin: “Ang mga kapatid saanman ay nagkaroon ng matibay na pananalig na ang gawain ni Jehova ay hindi sa tao umaasa.” Subalit, kailangan pa rin na may magsabalikat ng mga pananagutan na isinagawa ni Brother Rutherford bilang presidente ng Samahang Watch Tower.
“Determinadong Manatiling Malapít sa Panginoon”
Naging mithiin ni Brother Rutherford na walang lubay na ipahayag ng mga Saksi ni Jehova ang mabuting balita. Kaya noong kalagitnaan ng Disyembre 1941, ilang linggo bago ang kaniyang kamatayan, tinawag niya ang apat na direktor ng dalawang pangunahing korporasyong legal na ginagamit ng mga Saksi ni Jehova at iminungkahi na karaka-raka pagkamatay niya, lahat ng mga miyembro ng dalawang lupon ay pagsamahin sa isang sesyon at maghalal ng isang presidente at isang bise presidente.
Kinahapunan ng Enero 13, 1942, limang araw lamang pagkamatay ni Rutherford, lahat ng miyembro ng lupon mula sa dalawang korporasyon ay magkasamang nagmiting sa Brooklyn Bethel. Ilang araw bago iyon, iminungkahi na ng bise presidente ng Samahan, ang 36-anyos na si Nathan H. Knorr, na taimtim nilang hilingin
-