Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paglalathala sa Ang Bantayan
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
    • Paglalathala sa Ang Bantayan

      Nang ito’y unang ilathala, noong Hulyo 1879, tinawag itong Zion’s Watch Tower and Herald of Christ’s Presence. Ang magasing ito, na naging tagapagtaguyod ng haing pantubos ni Jesu-Kristo, ay inilathala upang maglaan ng espirituwal na pagkain sa sambahayan ng pananampalataya. Noong Enero 1, 1909, ang pamagat ay pinalitan ng The Watch Tower and Herald of Christ’s Presence, upang higit na mapatingkad ang layunin ng magasin. Noong Enero 1, 1939, bilang higit na pagdiriin sa bagay na si Kristo ay nagpupuno na mula sa langit bilang Hari, binago ang pamagat upang gawing The Watchtower and Herald of Christ’s Kingdom. Pagkatapos noong Marso 1, 1939, sa pamamagitan ng pagbabago ng pamagat na ginawang Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova, higit na nabigyang-pansin si Jehova bilang Pansansinukob na Soberano, na siyang nagkaloob ng awtoridad sa kaniyang Anak upang mamahala.

      Nang ito’y unang ilathala, ang Watch Tower ay isang publikasyon na may walong pahina, na lumalabas minsan isang buwan. Pinalaki ito upang maging 16 na pahina noong 1891, at naging isang makalawa-isang-buwang magasin noong 1892. Naging 32 pahina ito sa maraming wika simula noong 1950.

      Ang pagsasalin ng Watch Tower sa ibang mga wika ay naging mabagal sa simula. Isang tanging isyu sa Sweko ang inilathala noong 1883 upang gamitin bilang tract. Mula 1886 hanggang 1889, isang pinaliit na

  • Gumising!—Isang Magasin na Malawakang Umaakit sa Madla
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
    • Gumising!​—Isang Magasin na Malawakang Umaakit sa Madla

      Ang magasing ito ay unang pinamagatang The Golden Age. Ang unang isyu ay may petsang Oktubre 1, 1919. Ito’y isang magasin na nag-uulat ng hinggil sa iba’t ibang larangan ng karanasan ng tao. Ginising nito ang mga tao sa mga nagaganap sa sanlibutan at ipinakita sa kanila na ang tunay na lunas sa mga suliranin ng sangkatauhan ay ang Milenyong Paghahari ni Kristo, na tunay na magdadala ng isang “ginintuang panahon” para sa sangkatauhan. Ang disenyo ng pabalat ng magasin ay nagkaroon ng mga pagbabago, subalit hindi nagbago ang mensahe nito. Ang The Golden Age ay dinisenyo upang ipamahagi sa madla, at sa loob ng maraming taon ang sirkulasyon nito ay higit na malaki kaysa niyaong sa The Watch Tower.

      Pasimula noong isyu ng Oktubre 6, 1937, ang pamagat ay binago at ginawang Consolation. Angkop na angkop ito dahil sa pang-aapi na dinaranas ng marami at ang kaligaligan na kinasangkutan ng sanlibutan noong

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share