AWIT 100
Maging Mapagpatuloy
Printed Edition
1. Mapagpatuloy ang Diyos na Jehova.
Hindi nagtatangi ang pag-ibig niya.
Ang araw at ulan,
kaniyang ’nilalaan,
Ang pagkain at kagalakan.
Kapag nililingap natin ang dukha,
Bilang anak ay tinutularan siya.
Kaniyang susuklian,
ating kabutihan,
Ang taimtim na kabaitan.
2. Kagandahang-loob ay ipakita
Sa nangangailangan, sinuman sila.
Maa’ring dumating,
pagpapala sa ’tin,
Kung tayo ay mapagpatuloy.
Tulad ni Lydia no’n ay sabihin mo
Sa mga kapatid: ‘Tuloy po kayo.’
Alam ni Jehova
at nakikita niya
Ating pagkamapagpatuloy.
(Tingnan din ang Gawa 16:14, 15; Roma 12:13; 1 Tim. 3:2; Heb. 13:2; 1 Ped. 4:9.)