-
Paglalang, NilalangKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang totoo, may iba’t ibang kuwento ng paglalang sa sinaunang Babilonya, ngunit ang isa na kilalang-kilala ay ang mito tungkol kay Marduk, ang pambansang diyos ng Babilonya. Sa maikli, inilalahad nito ang pag-iral ng diyosang si Tiamat at ng diyos na si Apsu, na naging mga magulang ng iba pang mga bathala. Lubhang napighati si Apsu sa ginagawa ng mga diyos na ito kung kaya ipinasiya niyang puksain sila. Gayunman, si Apsu ay pinatay ni Ea, isa sa mga diyos na ito, at nang tangkain ni Tiamat na ipaghiganti si Apsu, pinatay naman siya ng anak ni Ea na si Marduk. Hinati ni Marduk ang katawan ni Tiamat at ginamit ang kalahati nito upang gawin ang kalangitan at ang kalahati naman para itatag ang lupa. Pagkatapos, nilalang ni Marduk ang sangkatauhan (sa tulong ni Ea), anupat ginamit niya ang dugo ng isa pang diyos, si Kingu, na tagapamahala ng mga hukbo ni Tiamat.
-
-
Paglalang, NilalangKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang tulang Babilonyo ay mitolohikal at politeistiko. Mababa ang konsepto nito tungkol sa pagkabathala. Ang mga diyos nito ay umiibig at napopoot, nakikipagsabuwatan at nagpapakana, nakikipaglaban at pumupuksa. Si Marduk, ang kampeon, ay nakapanlulupig lamang pagkatapos ng mabangis na pakikipaglaban, na halos sumasaid sa kaniyang kapangyarihan. Samantala, mababanaag sa Genesis ang pinakamarangal na monoteismo. Ang Diyos ay sukdulang panginoon ng lahat ng elemento ng sansinukob, anupat sinusunod ng mga ito ang bawat sabihin niya. Nakokontrol niya nang walang kahirap-hirap ang lahat ng bagay. Anumang salitain niya ay natutupad. Ipagpalagay natin, gaya ng karamihan sa mga iskolar, na may kaugnayan ang dalawang salaysay; ang pinakamahusay na panukat ng pagiging kinasihan ng ulat ng Bibliya ay ang ihambing ito sa ulat ng mga Babilonyo. Habang binabasa natin sa ngayon ang kabanata sa Genesis, isinisiwalat pa rin nito sa atin ang karingalan at kapangyarihan ng iisang Diyos, at pinupukaw nito sa makabagong tao, gaya rin sa sinaunang Hebreo, ang isang mapagpitagang saloobin sa Maylalang.”—Archaeology and the Bible, 1949, p. 297, 298.
-